CHAPTER 9- Better Version

168K 3.6K 876
                                    

CHAPTER 9- Better Version

THIRD PERSON's POV

"Sky bro, umamin ka, may ginawa ka na namang kasalanan kay Bryan no? Mapaparusahan na naman tayo no? Magsalita ka!" Akusa ni Tyler kay Skyler habang nasa kwarto nila, dahil kanina pa itong pasulyap-sulyap sa kanya tapos pag magtatama ang mata nilang dalawa ay bigla naman itong iiwas.

"Ah... eh... Tama ka, may ginawa nga akong kasalanan." -Skyler.

"Sky bro naman! Anu ba naman! Hindi ka na ba nadal--"

"Teka lang bro! May ginawa nga akong kasalanan, itinakas ko nga yung sasakyan ni Bryan, pero wag kang mag-alala, hindi naman nya ako nahuli!" pagpapakalma ni Skyler sa kakambal nyang nag iinit na ang ulo.

"Hindi ka n'ya nahuli? Sigurado ka?" -Tyler.

"Oo nga bro, edi sana naparusahan na nya tayo by now."

"Sabagay. Eh kung hindi ka naman pala nahuli, bakit  kanina ka pang tingin ng tingin sa akin? Parang may gusto kang sabihin na hindi mo masabi eh."

"Huh? Halata ba masyado?"

"Oo bro. Wala kang maitatago sakin, kambal kaya tayo."

"Tss. Hindi mahalagang bagay yun. Wag na lang, matulog na lang tayo bro."

Nahiga na nga lang silang dalawa pero hindi sila makatulog. Ilang minuto ang makalipas, umimik si Skyler...

"Bro..." tawag ni Skyler.

"Bakit?" sagot ni Tyler.

"Paano ba manligaw?" -Skyler.

"Huh?!!!" napabangon si Tyler sabay sigaw ng ganyan dahil sa sobrang pagkabigla.

"Ang OA naman ng reaksyon mo bro!" ani Skyler kay Tyler, bumangon narin sya. Magkatabi lang yung kama nilang dalawa.

"Bro naman kasi, ano ba naman yung tanong mo. Paano manligaw? Seriously? E diba dun ka expert?" -Tyler.

"Sa panlalandi ng babae ako expert Tyler, sa panliligaw hindi."

"Magkaiba pa ba yun?"

"Oo bro. Sa dalawang klase ng 'pu' sila nagkaiba." pagpapaliwanag ni Skyler sa kapatid.

"Huh? Anong 'pu'?" naguguluhang tanong ni Tyler.

"Sa panlalandi kasi bro, 'pu' na censored ng babae ang gustong makuha ng lalaki samantalang sa panliligaw, 'pu...so' ng babae ang gustong makuha ng lalaki. Gets mo na?"

"Ang dami mong alam bro."

"Haha, ako pa?"

"Pero bro, sa 'pu' na censored ka lang naman interesado diba? Bakit mo ko natanong tungkol sa panliligaw?"

Ngumiti si Skyler kay Tyler bago sya sumagot, "Liligawan ko si Kyra bro." sabi n'ya.

"Huh?!" Hindi na naman makapaniwala si Tyler sa naririnig n'ya mula sa bibig ng playboy niyang kapatid.

"Tama ang narinig mo bro, ako, si Skyler Sy, simula ngayong araw na to, ay official ng nagbibitiw sa pwesto n'ya bilang God of Playboys... may bago na akong aaplayan na posisyon."

"Ano naman yun?"

"Tatay ni Kysler. Asawa ni Kyra." sabi ni Sky sabay ngiti tapos humiga na ulit sa kama.

Nanlaki naman ang mata ni Tyler tapos, "Bryan! Pahingi ako ng number ng psychiatrist na kakilala mo! May kung ano'ng mali kay Sky bro ngayon!" yan ang sigaw niya pagpunta sa kwarto ng kabarkadang si Bryan Go. Tinawanan lang sya ni Skyler.

[OHG SIDESTORY- Skyler Sy ] : Mr. Playboy, YOU'RE A DADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon