She's an ordinary girl

101 2 0
                                    

Prolouge:

Isa lang akong ordinaryong babae, kinaiinisan ng lahat at halos iluwa na ng buong mundo dahil sa kahihiyang dulot ko. Kinaiinisan nila ang lahat saakin, ang paglakad, paraan ng pagkain ko, pag ngiti ko, pati na rin ang paghinga ko. Hindi dahil sa mabaho ang ibinubuga nito, kundi sa inis nila na pinanganak pa ko. Pati sarili kong pamilya, tinakwil ako. Ang nanay ko na pumanaw na dahil sa isang hindi inaasahang aksidente. At ang tatay ko na simula ng pagkamatay ni mama, nagsimula nang gumamit ng illegal na gamot. Dahil sa hindi nya raw matanggap ang pagkawala ni mama. Nang isang araw, ay ikinagulat ko ng nagdala si papa ng babae na mahaba ang buhok, maputi, at higit sa lahat, maganda. Noong una, natakot ako. Sino sya? Bakit sya nandito? Ano sya ni papa? Lahat ng tanong na yan gumugulo sa isip ko nang Makita ko sya. “anak, sya ang aunti Amelia mo. Ang babaeng nagpatibok ng puso ko at nagbago sa buhay ko. Simula ngayon, sa atin na sya titira, at bubuo ulit tayo ng isang Masayang pamilya.” Sa mga katagang isinagot saakin ni papa, nabuhayan ako ng loob. Dahil sa wakas, binago ng babaeng ito ang buhay ni papa. Mula sa isang trahedya, binago nya ito sa isang iglap lang. at hindi lang buhay ni papa ang binago nya. Pati narin ang akin. Mula sa isang masayang buhay at pamilya, isang malademonyong buhay ang naging kapalit non.

Hindi ko akalaing ganto kalupit ang minahal ni papa na babae na akala mo eh, isang anghel. Pero nagkamali ako, tama sila. Lahat namamatay sa maling akala. Pinagmamalupitan nya ako. Kahit na sinusunod ko ng maayos ang mg utos nya, hindi parin ako nakakalampas sa mga hampas nya sa braso, hita, at maging sa likod ko.. at ang tangi ko lang na inaasahan noon ay si papa. Na balang araw ay malaman nya kung gaanong kalupitan ang nararanasan ko araw araw na wla sya sa bahay..

Ewan ko ba pero minsan ko din na naisipang magpakamatay nalang dahil sawang sawa na ko sa buhay na ‘to. Kaso ayaw eh, sinubukan ko na din magbigti kaso nahuli naman ako ni auntie.. pati na din ang mag-gilit sa leeg, at nakita nmn ako ni papa. -3- imbis na oras ko na mamatay, lagi naming may hadlang.

Hanggang sa makilala ko ang isang lalaking hindi ko aakalain na mamahalin ko, ewan ko ba. iba yung nararamdaman ko kapag kasama ko sya Hindi ko maintindihan yung itong nararamdaman ko. siguro meron syang isang katangian na na nagustuhan ko at yun ay kung paano nya ko pahalagahan. Naisip ko, baka ganto tlga sya sa mga babae? Kaya ko nasabi yun kasi ayokong mag assume na may gusto rin sya saakin. Sobrang sakit kasi pag nag assume ka na ganun ang mangyayari pero hindi nmn pala.

Siguro nga may dahilan kung bakit may humahadlang sa bawat try ko ng pagpapakamatay. At iyon ay ang matutong magmahal at maging Masaya kahit panandalian lang.

-

Salamat nga pala sa cover ng story ko MoodyDoodly :)) i love it. ^_^

She's an ordinary girl (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon