Meisha's POV:
Ilang araw nalang pasukan na.. mejo nakakaramdam ako ng kaba, excite, mixed emotions kumbaga. at hindi padiin maalis saakin yung tumawag... Pagkatpos ng mga araw na una syang tumawag, pagkatpos siguro ng dalawa hanggang tatlong araw, ay tumawag ulit sya. at this time, nagsalita na sya. Lalaki ang tumatawag sakin. sabi nya kilala nya daw ako.. lagi daw akong mag-iingat. at lagi lang daw syang nasa paligid ko... yung totoo, tao ba to o multo? Kinikilabutan ako ng mga oras na iyon. hindi ko sya kilala, itatanong ko sana kung ano ang pangalan nya at sino sya ng biglang ibaba yung telepono. Kaya no choice kundi ang itext nalang siya.
"Ano bang pangalan mo? bat ka ba tumatawag sakin? anong kailangan mo?"
Sending to: Stranger.... SENT!kaso naghintay naman ako ng ilang minuto para magreply siya kaso hindi na nagreply. Ugh, ano bang gagawin ko dito? baka mamaya serial killer to :3 Makatulog na nga!
June 2 (Monday)
unang araw ng pasukan.. Hinatid ako ni papa papuntang school, sobrang kinakabahan na ako. pagsakay ko ng sasakyan, pawis na pawis yung kamay ko at nanlalamig. Iniisip ko kasi yung mga pwedeng mangyari.. baka may posibilidad nanaman na mabully ako. :/ nasa gitna ako ng pag iisip ng malalim nang biglang nagsalita sa papa. "Meisha, alam ko kung ano ang iniisip mo.." sabi saakin ni papa. "H-huh?" tanong ko ng pagtataka. "Meisha, anak kita. alam ko kung anong nararamdaman mo at nangyayari sayo. alam kong iniisip mo nanaman na may posibildad na mabully ka nanaman gaya ng sa dati mong school na pinapasukan. anak, ito ang gawin mo para hindi ka mabully.." sabay may inabot saakin si papa na listahan ng mga dapat kong gawin.. "Ayan, basahin mo yan, may lima akong isinulat jaan na dapat mong gawin para di ka mabully. :-) okay?" woah. "o-okay pa. salamat. :)"
habang nasa byahe kami binabasa ko na yung binigay ni papa. at ito ang mga nakalagay doon:
1. Make new friends.
2. Socialize with people on your first day..
3. wag tatanga tanga (anak, sorry sa word. perok kelangan mo tong gawin. - papa)
4. Wag na wag kang magpapakita ng kahinaan sa kanila ng posibilities para mabully ka.
5. ngayon pa lang, pagdating mo sa school, kung sino man ang seatmate mo, kaibiganin mo agad. pero siguraduhin mo munang mabuti syang kaibigan.
"Pa, salamat po dito ah? gagawin ko po ang mga ito," sabi ko ng may ngiti sa labi :D "ayus lang yun anak, maging maayos lang ang buhay mo. :)" pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kame sa harap ng gate. Pinababa na ako ni papa at saka nagpaalam at pumunta na sa harap ng gate. bago umalis si papa, may sinabe muna sya saakin. "Anak, yung pinaalala ko sayo ah? gawin mo lahat ng iyon para hnd ka na mabullybulit. at kapag hindi ka na nabubully, may reward ka saakin :-) " tumango nalang ako na bilang pagsang-ayon sa sinabi ni papa. tumayo ako sa harap ng gate ng school. tumunganga ako sa harap ng gate ng isang minuto.. kinakabahan na kasi talaga ako.. okay meisha, inhale.. exhale.. inhale.. exhale.. whoo! kaya ko to!! ^^ pumasok na ako ng school nang may ngiti sa mukha ko. :D para naman maka-gain ako agad ng friends. Yun ang first goal ko. Make friends to avoid bullying ^^
hinanap ko na yung room na papasukan ko. nang makarating ako doon, tumingin ako ng pwedeng mauupuan, at dahil wala nang seat na available, nakakita ako ng upuan na sa tabi noon ay may lalaking nakaupo.. sya yung seatmate ko, yeesh. mukang masungit 'to ah. pero I'll still make friends with him, para first day kk dito may kaibigan agad ako. bago pa ako magsalita ay naunahan nya pa ako.
"hi :)" nabigla ako nang mag-hi siya sakin. well, di naman pala masungit eh "Hello :)" tugon ko naman sakanya.
"Ako si Jayvee Earl Naldo" pagpapakilala nya saakin..
"ahh. ako naman si--"
"...Meisha De leon! :)" dugtong niya.
"O-oo nga! paano mo nalaman yon?" takang taka kong sabi.
"Ayan oh, nasa nametag mo." sabay tingin sa nakasabit sa leeg ko na nametag.
"Ay! oo nga pala. hehe" shocks mukha akong tanga. hahahahaha.
habang hindi pa dumarating yung professor namen, nagusap lang kami ng nagusap. grabe, ang saya nyang kausap, 19 years old palang daw sya. hindi sila sobrang mayaman o mayaman. may kaya lang, isang seaman ang papa nya at ang nanay nya nsa bahay lang. mabait sya, gentleman at napaka friendly. gwapo pa! tsk. dagdag pogi points yun xD niyaya nya akong magsabay ng lunch. pumayag naman ako kasi wala din naman akong kasabay e. kaya sya nalang :) sana magpatuloy pa to at sana dumami pa kaibigan ko.
-------
Jayvee Earl Naldo's POV:
Nung unang pasok nya sa room, mejo naweirduhan ako sakanya. ang ganda nya kasi e. tska simple sya. nung nakita ko syang sa tabi ko sya uupo, napag-isip isip kong makipagkaibigan sakanya. wala namang mawawala kung itatry ko dba? so, ayun. I greeted her with a smile on my handsome face :) (Boom Lakas! xD) nagpakilala ako sa kanya, then nung sasabihin nya na ung pangalan nya, bigla kong nasigaw yung pangalan nya. BAKIT.? Naka name tag sya e xD nagtataka syang nagtanong kung paano ko daw nalaman yuung pangalan nya, at nung snabe ko na may suot kasi syang name tag, ayun! natawa nalang kmeng dalawa. niyaya ko syang sumabay saakin na kumain mamayang lunch tutal wla naman daw syang kasabay. edi ako nalang. :-)
Ako nga pala si Jayvee Earl Naldo. ;) 19 years old. :D at sobrang nagpapasalamat na naging kaklase ko si meisha :3
------
OWNER OF UNKNOWN NUMBER:
HI! NAALALA NYO PA BA AKO? hahaha. tinatawagan ko parin si meisha pagkatapos nung araw na iyon, ramdam kong naiinis na sya saakin. ang kulit ko daw. nakakabwisi daw ako at nagsasayang ng load at oras. tss, lahat ng yon hnd sayang basta sya ang kausap ko. :) tuloy tuloy ko parin syang tinatawagan.. kanina nga nakita ko sya sa school e. nakatulala. :/ nag-aalala ako kasi baka mabully nanaman sya. sisiguraduhin kong ligtas sya kahit hnd nya ako kilala. ;) anong plano ko? Well, sasabihin ko na sa inyo sa LALONG MADALING PANAHON. :)
--
LAGING PABITIN YANG MAY ARI NG UNKNOWN NUMBER NA YAN AH! HAHAHA. GUYS, abangan natin kung sno talaga yan at kung anongh plano nya. :) subaybayan lang po natin ang pagbabasa ng She's an ordinary girl. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/14732735-288-k171046.jpg)