One Shot Story #4: Kaya Pala
Ilang araw na. Ilang araw mo na akong hindi pinapansin, iniiwasan, kinakalimutan at hindi kinakausap.
Mayroon bang mali? Problema? O pagkakamali? Sabihin mo saakin nang maayos ko ito at magbalik tayo sa dati.
Yung dating tayo na laging magkasama, hindi mapaghiwalay at pinaparamdam ang pagmamahal sa isa't isa.
Nasaan na ang dating tayo?
Ilang araw na ang lumipas mula nang mawala ito.
Hindi mo ko pinapansin. Ano ba ang nagawa kong pagkakamali? Mayroon ba? O sadyang ganyan ka na talaga.
Napakaraming nagbago saiyo, at nararamdaman kong pati nararamdaman mo ay bago na rin.
Lumipas ang isa, dalawa, tatlo at apat na linggo.
Nakita kitang may kasamang iba.
Ika'y nakangiti na parang nanalo nang limpak limpak na salapi.
Mga mata mo'y nagniningning dahil kasama mo siya.
Sino nga ba ang kasama mo?
Kaibigan? Kamag-anak? O kasintahan?
Akala ko ba ay mahal mo ko. Bakit parang hindi naman.
Nilapitan kita at nginitian, tinanong kung sino siya at bakit magkahawak ang inyong mga kamay.
Mga kamay na noon ay hawakhawak ko, bakit nawala at napunta sa kamay niya?
Teka teka, parang alam ko na.
Alam ko na kung sino siya at anong problema. Ano ang dahilan bakit mo ko iniiwasan.
Kaya pala.
Kaya pala nararamdaman kong hindi mo na ako mahal.
Kaya pala hindi mo na ako napapansin.
Kaya pala.. dahil mayroon ka ng iba.
---------------------------------------
Hahahaha, I wrote this story on the spot rn. I'm crying while I'm writing this one. May pinaghuhugutan po ang lola niyo hahahaha. Thanks!! 😙
BINABASA MO ANG
One Shot Stories of Mine
RandomThis is my 7th story in wattpad already. Well, I unpublished the first 6 because I am going to edit it for you guys. Hope you will enjoy this book. This is my compilation of my One Shot Stories. -August 07, 2017 (Starting Date)