Until Death Do Us Part

31 3 3
                                    

One Shot Story #2: Until Death Do Us Part

Ilang araw nang nangungulila ang lalaking si Marco sa pag-ibig nang kanyang kasintahan na si Amy.

Ilang araw na kasi niya itong hindi nakikita dahil hindi lumalabas si Amy ng bahay. At sa tuwing susubukan ni Marco na pumunta sa bahay nila Amy ay kaagad siyang pinaaalis ng mga kasambahay nito.

Lumipas ang ilan pang mga araw at hindi pa rin nakikita ni Marco si Amy. Hindi na umaasa si Marco na makikita niya pa ang babae ngunit siya ay natuwa at nagulat noong makita niyang nagtext sa kanya si Amy.

'Babe, miss na kita. May kailangan ako sabihin sa iyo. Kung maaari sana ay pumunta ka rito sa bahay at mag-usap tayo.'

Nagmadali na man  na pumunta si Marco sa bahay ni Amy upang makita na ito. Sabik na sabik na siyang mayakap muli ang kanyang minamahal, kay tagal niya na itong hindi nararamdaman.

Nang makarating na si Marco sa bahay ni Amy ay kaagad siyang nagtungo sa kwarto nito dahil panigurado ay doon lamang ito nag-sstay.

Bakas sa mukha ng binata ang matinding pagkagulat at pagkalungkot nang makita ang itsura ng babaeng minamahal niya.

Ito'y namumutla at mahahalata mo na siya'y nanghihina na. May nakasilay na munting ngiti sa kanyang mga labi ngunit halata mong pilit na ito dahil ang ekspresyon na nilalabas ng kanyang mga mata ay kalungkutan.

Kaagad na tinanong ni Marco kung ano ang nangyari sa kanya at bakit ganoon na ang itsura nito.

At doon, doon nalaman ni Marco ang dahilan kung bakit ganito na ang sitwasyon ng kanyang kasintahan.

"Heart Cardiomyopathy. Isang uri ng heart disease na mahirap gamutin. Lumayo ako sayo dahil bilang na lamang sa daliri ko kung gaano nalang kahaba ang buhay ko. Ayaw kong masaktan ka kaya nagdesisyon akong layuan ka na lamang." naiiyak na sambit ni Amy habang nakayakap sa lalaki.

Lumipas ang ilang minuto at nanatili pa ring magkayakap ang dalawa nang biglang magsalita si Amy.

"Marco? Hindi ko na kaya. Gusto ko nang matulog... " inaantok na sabi ni Amy.

"Matulog ka na ng mahimbing. Magpahinga ka na... hintayin mo ako ha? I love you." sagot ni Marco.

"I love you too, Marco." nakangiti na sambit ni Amy habang nakatingin sa mata ng binata.

Nang ipikit ni Amy ang kanyang magaganda at mala perlas na mata, ilang segundo lang ang lumipas at napansin ni Marco na hindi na humihinga ito.

Kinuha ni Marco ang matagal nang itinatago na baril sa kanyang kotse at bumalik sa tabi ni Amy.

"Hindi ko kakayanin na tayo ay maghiwalay. Buo na ang desisyon ko, susundan na kita Amy. Hintayin mo ako mahal ko. Magkikita tayong muli sa itaas." mangiyak-ngiyak na sabi ni Marco.

"I love you so much Amy. Until death do us part."

At yaan ang mga huling salita na sinambit ni Marco bago iputok ang baril sa kanyang puso na ang itinitibok ay ang kasintahan.

One Shot Stories of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon