One Shot Story #5: Iniwan Mo Na Ako Pero
Ilang linggo na rin pala ang lumipas mula noong mawala ang mga salitang, 'ikaw, ako at tayo'.
"Pasensya na. Tigilan mo na ako wala nang tayo. Wala ka nang AKO. Paalam."
Ilang linggo na ang lumipas mula noong binali mo ang iyong mga binitawang pangako.
"Nasaan na yung pangako mo? Yung sinabi mo na mahal mo ako. Hindi mo ako iiwan. At lalong hindi sasaktan."
Ilang linggo na rin noong iwan mo na ako.
"Tama na. Tapos na tayo. Pagod na 'ko, please lang. Tigilan na natin 'tong kahibangan na 'to."
Pero alam mo, hanggang ngayon. Eto pa rin ako, si t*ng* na umaasang maibabalik lahat ng 'to.
Umaasang babalikan mo ako. Mamahalin muli. Aalagaan. Hindi sasaktan at hindi iiwan.
"Huwag ka nang umasa na gagawin ko iyan. Sasaktan mo lang sarili mo."
Yan yung mga salitang binitiwan mo nang sabihin ko sayong aasa at maghihintay parin ako na magkabalikan tayo.
Sinabi mo, pinakinggan ko ngunit hindi ko sinunod.
Alam mo kung nakokontrol ko lamang ang puso ko, di na ako aasa sayo e.
Pero wala, itong pusong ito. Siya yung patuloy na nagmamahal sayo.
Kaya eto ako ngayon, walang magagawa kundi sundin na lamang ang puso.
Iniwan mo na ako pero... itong puso ko, aasa parin na masuklian ng pagmamahal mo.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories of Mine
RandomThis is my 7th story in wattpad already. Well, I unpublished the first 6 because I am going to edit it for you guys. Hope you will enjoy this book. This is my compilation of my One Shot Stories. -August 07, 2017 (Starting Date)