ANGELO'S POV
"I'm doomed" Aisha exclaimed
"Mamaya na natin 'yan isipin, let's go inside" sabi ko na lang para medyo kumalma si Aisha
"Hey, okay lang 'yan I got you" Sabi ko kay aisha na parang worried na worried
"Bonjour, bienvenue chez Cartier" bati nung babae kay Aisha
"Bonjour, pouvez-vous nous aider, nous recherchons des alliances" Sabi ni Aisha at nagkatinginan na lang kami ni Mico
"Pre, wala bang subtitles?" sabi ni Mico at binatukan ko naman s'ya
Inaya kami ni Aisha dun sa kabilang side nung store at naglabas yung saleslady ng apat na box of rings
"Voici notre bague en édition limitée pour ce mois-ci, voici la bague d'amour" Sabi kay Aisha nung babae
"Ano daw sabi pre?" tanong sakin ni Mico na parang naguguluhan na
"Sabi, limited edition daw 'yan para sa bwan na 'to" sabi ko kay Mico at napa 'Ahh' naman sya
"How much is this?" Aisha asked
"6,300 dollars, Madame" Sabi nung babae at napatango naman si Mico
"315,000 yan almost if converted to Philippine pesos, ano G ka na?" Tanong ni Aisha kay Mico kaya tumango na lang si Gago
"Nous aimerions profiter d'un ensemble de cette" sabi ni Aisha dun sa babae
"Bibilhin na daw natin sabi ni Aisha" tumango naman si mico, bobo talaga e
"Nous allons simplement frapper le point madame, venez avec moi s'il vous plaît" Sumunod kami dun sa saleslady at nakarating dun sa cashier nila
Inabot naman ni mico yung credit card nya at hindi naman pumapalag si Gago. Alam niya kasi na nasa kanya na yung trustfund n'ya at suportado ng parents nya yung wedding nila
"Merci beaucoup" Sabi ni Aisha at ngumiti naman yung babae
Pumunta kami sa sasakyan ni Aisha at nagdrive papunta sa bahay nila. halatang kinakabahan s'ya
"Wala dito sila mommy. Wag mo kong tignan ng ganyan" sabi sakin ni Aisha na para bang jinajudge nya ako sa pagtingin sa kanya
"kala ko papakasalan mo na talaga ako e" Sabi ko nang pabiro
Nagiging komportable ako kasama si Aisha this past two days. madali naman syang pakisamahan at she's very sophisticated, classy, yet very humble
"Alam ko naman na crush mo 'ko Gelo, pero hindi pa ako ready magpakasal. Hinay hinay muna" Sabi ni Aisha habang pinagtatawanan ako
Umiling na lang ako at sinasakyan ko na lang yung trip nya
"As soon as possible, I hope na masabi na natin kina mommy na we're not really getting married ha" Sabi ni Aisha sa aming dalawa ni Mico, tumango naman kami parehas habang naglalaro ng chess dito sa bahay nila Aisha
Malaki bahay nila, kasing laki lang din halos nung bahay nina Katherine
pero madami dito na designs na parang from other country yung atmosphere. Sabagay ano nga ba nationality nitong gaga na 'to
"Ikaw lang ba nakatira dito Aisha?" Tanong ni Mico sa kanya
"Yup, this is my house dudes" Sabi ni Aisha at nagkatinginan kami ni Mico
"So you mean?-"
"Yes, akin lang 'yung house na 'to, may house kami sa Bulacan, dun yung original house namin" Explain n'ya
BINABASA MO ANG
My One and Only Chess Master
Ficción GeneralA model whose name is Aisha Maureen Natividad an international chess competitor came back to the Philippines and met Angelo Reyes who never lost in any Chess competition. And just like the game they used to play. You must play to win Is it the Qu...