ANGELO'S POV
"Mommy, Alis na po ako" Sabi ko kay mommy
"Nak, bakit late ka kagabi?" Sabi ni mommy sa akin na parang nang-iinis
"May hinatid lang po" Sabi ko kay mommy at nagkatinginan sila ng daddy ko
"YES!!! MAY GIRLFRIEND NA ANAK KO!!" Sigaw nilang dalawa
huh?
"W-WAIT! hindi ko yun girlfriend!" Bwelta ko
"OKay lang yan nak, ganyan din kami dati in-denial pa" sabi ni mommy habang namumula
hindi ko gets sa mga tanders na 'to kung bakit sobrang atat akong magka-grilfriend
palibhasa nag-iisang anak ako
"Sige na mom alis na po ako" Sabi ko sabay magmano sa kanilang dalawa
"Invite her to our dinner tonight baby!" Sabi ni mommy at napakamot na lang ako ng ulo
"Hindi ko nga 'yun girlfriend mom!" Sabi ko kay mommy
"Batsa, Invite her or I'll sell your motorcycle!" sabi ni mommy na para bang nanggagalaiti na
"Tss" umalis na lang ako at nagisip ng paraan para mainvite si Aisha sa bahay namin
ang hirap naman kasi dito sa family ko, they're very hands on lalo na at sabi nila I'm an adult na. 23 na daw ako at kailangan ko na daw magka-girlfriend. Dapat kais graduate na talaga ako kaso nagshift ako from IT to Comp Engineering kasi sabi ni Dad ako na daw ang maghahawak ng Tele Comm company namin after I graduated para daw makapag relax na sila ni mommy.
well, wala naman ako magagawa dahil my parents are demanding especially when it comes to our company.
I drove my way to school at nakita ko si Mico na nakikipag-argue kay Katherine. Lagi na lang yang ganyan pag may hangover si Katherine. May taglay din kasing kakulitan 'tong si Katherine.
Pumasok na ako sa room at nandito na yung prof. She discussed our incoming first project sa Autocad at kailangan namin makipag-coordinate sa Archi students para gawing miniature yung gagawin namin sa AutoCad
Si Erieshine yung partner ko tapos ang partner ni Aisha si Phoebe. Katabi kasi ni Aisha ngayon si Phoebe sa upuan kaya no choice si Aisha
medyo worried ako kasi pabayang babae si Phoebe, binabayaran lang nya yung prof para makapasa sya. At knowing Aisha, hindi yun papayag na mababa grade nya sa project namin kasi isa yun sa part nung midterms namin
Swerte na rin siguro ko kay Shine kasi matino naman 'to in terms of projects. Pala-absent nga lang kaya baka mahirapan ako gumawa pag absent 'to
Natapos yung 5 subjects namin for today at 2pm na
lupet, walang break time
"Pst! Gelo!" Tawag ni Aisha sakin
Nilingon ko si gaga na parang may ibubulong
"Nagugutom na ko" Sabi nya sakin sabay hawak sa tyan nya
wait
ALAM KO NA!
"Naku, may pupuntahan pa kasi ako e. gusto mo mag drive thru muna tayo tapos may dadaanan ako saglit tas sa bahay na lang namin tayo kumain?"
Nice one
"Ah, bakit sa bahay n'yo pa?, sa cafeteria lang naman ako mag-aaya" Sabi nya
Hirap naman utuin nito. Palibhasa matalino
"Ah eh, alam ko kasi may nafood poison doon nung nakaraan. just to be safe?" sabi ko
Ang hirap naman magsinungaling. Bwisit naman kasi si mommy, mamaya magtampo pa sakin yun pag di ko sinipot yung dinner date namin
Tinext ko si mommy
Mrs. BirthGiver
Mom, Pwede bang imove natin ng 3pm yung dinner date?
Message sent
"Sa labas na lang kaya tayo kumain? ayain natin sila Mico at Katherine, Nagugutom na talaga ako" sabi ni Aisha na malurit
Nagvibrate yung phone
Mrs. BirthGiver
Sure baby. Sa Shangri La na lang tayo mag-meet. dalhin mo yung girlfriend mo ha?
G E L O
Hindi ko nga s'ya girfriend mom
Mrs. BirthGiver
Edi soon to be manugang ko hihi. See you later baby. Paalis na kami sa Portal ni daddy mo
G E L O
K. Fine. Love you
"Sige, sa Shangri La na lang?" aya ko kay Aisha
"Okay, I'm craving for different foods din kasi e" Sabi ni aisha at dumerecho na kami sa sasakyan
"Kasama ba natin sila Mico at Kath? baka mamaya sinesegway mo lang ako ng date eh, amin amin din Gelo" sabi sakin ni Aisha habang inaasar ako
papatulan ko na tong kupal na 'to pag ako talaga!
"Hindi pwede 'yung dalawa. LQ. Sila mommy na lang kasama natin para kahit papaano di akward" Sabi ko kay Aisha at nakita syang namutla
"HOY! anong mommy at daddy mo! Hindi pa ako ready Gelo sa meet the parents. Alam kong crush mo 'ko pero hinay hinay ka lang!" sabi sakin ni Aisha habang namumula
"Kapal mo a!, makikikain lang tayo para libre" Sabi ko na lang
Pare-parehas lang sila ng parents ko e advanced mag isip
"Okay, Samahan mo muna ako bumili ng damit ko" Sabi n'ya
Nandito na kami sa Shangri La at nag-aya si gaga na mamili muna ng damit nya. Ayaw daw nya makameet ng parents ng friends nya ng mukha syang basahan. At time check 2:50 na at wala pa rin s'yang nabibili na damit dahil ayaw daw nya maging extra baka akalain ng parents ko e girlfriend ko siya
siya pa talaga ang choosy
"Here" Pinakita nya yung damit at nakita ko naman na bagay sa kanya kaya tumango na lang ako
Mrs. BirthGiver
Calling
"Yes mom?"
[Baby, nandito na kami sa Fortune and naka order na kami]
"Sige mom nandito na din po kami, bumili lang saglit ng damit si Aisha"
[SEE! I told you hon Girlfriend n'ya yun!]
"Mom, can you please?"
[Baby, stop denying. She bought a proper outfit for our date today to impress us]
"Maarte lang talaga 'to"
Lumingon sakin si Aisha at sinamaan ang ng tingin
"Pababa na kami mom, Bye"
Call Ended
Nandito na kami sa Fortune at nandun si mommy at daddy na parang teenagers kung maglampungan
"Mom"
Pag-saway ko sa kanila ni dad
"HI!, You must be Aisha!" Nagmano si Aisha sa kanilang dalawa at ngumiti
"Yes po Mrs. Reyes" Sabi ni Aisha na parang naaakwardan
Weird talaga ng parents ko. The thought of my parents being like this makes me cringe
"Anong Mrs. Reyes!, you can call me Mom" Sabi ni Mommy. at napa face-palm na lang ako
"Ay! there's the food, let's eat na!" sabi ni mommy sa amin at umupo na kami
Nagkatinginan si mommy at daddy at tumango sa isa't isa. I have a strang efeeling about this
"So kailan ang kasal?"
BINABASA MO ANG
My One and Only Chess Master
General FictionA model whose name is Aisha Maureen Natividad an international chess competitor came back to the Philippines and met Angelo Reyes who never lost in any Chess competition. And just like the game they used to play. You must play to win Is it the Qu...