8

100 6 0
                                    

ANGELO'S POV

"They're here" rinig ko sabi ni Aisha habang hawak 'yung kamay ko. Malamig yung kamay n'ya kaya halatang kinakabahan s'ya

"You know, my mom really wanted me to get married 22 na daw ako and I must settle with someone na" Sabi ni Aisha sa akin at ako naman tumango lang dahil naiintindihan ko yung part n'ya 

Mahirap lumaki sa pamilya na ganito, 'yung hindi pressure sa studies 'yung binibigay sa'yo kung hindi yung pressure sa lovelife. Alam mo 'yun, hindi kasi dapat minamadali 'yung ganun tapos malalaman mo pa na hindi pala talaga kayo magwowork out 'di ba? sayang lang 

"Hey, darling" Nagmano si Aisha sa mommy nya at sa daddy n'ya

May hawak na maliit na bata yung mommy ni Aisha, na kahawig na kahawig n'ya

"You must be my daughter's fiance" sabi ni Tita Gueneviere

"Good evening po Mr. and Mrs. Natividad" Bati ko sa kanya at nagmano sa kanilang dalawa. Yung kapatid naman ni Aisha pumunta sa likod ni Tita dahil nahihiya siguro

"Don't be silly, Call us Mommy and Daddy" Sabi ni tita at dumerecho na kami sa Kitchen

"Aisha, when is the wedding?" tanong nung mommy ni Aisha at nagkatinginan lang kami

"Mom we have to tell you something-" Sabi ni Aisha

"Wala pa pong exact date, Mommy." sabi ko na lang para pigilan si Aisha na sabihin 'yung totoo. Alam kong malaking hassle yung ginawa ng parents ni Aisha para lang dun sa so-called-wedding namin at ayoko naman s'yang makagalitan para 'dun. Alam kong hindi pa right time para sabihin ang lahat at kailangan pa naming mag-adjust.

"Oh, Okay." sabi ng mommy ni Aisha at uminom nung champagne n'ya. Sinamaan lang ako ng tingin ni Aisha. Alam ko naman na gusto n'ya na sabihin para mawala na 'yung problema n'ya

S'ya may kasalanan nito, pa-post post ka pa sa instagram ha.

Napa-iling na lang ako at Nag-iisip ng paraan para masabi sa parents n'ya na di kami ikakasal

"So, Gelo right?" tanong nung mommy n'ya sakin

"Yes po?" tanong ko tapos umino ng champagne

"Tell me about your family background" Sabi ni Mommy at tsaka tumango naman ako

"My mom is Crystal Antoniette Reyes and My Dad's name is Kristoffer George" sabi ko at nagkatinginan yung parents ni Aisha

"Really?, Anak ka nung dalawang 'yon?" gulat na gulat na sabi nilang dalawa na parang amused na amused

"Yes po" Sabi ko habang uminom uli ng champagne

"They're our friends when we're just your age!" Sabi ng mommy ni Aisha habang tuwang-tuwa

"Kaya pala Gueneviere is asking me to hang out with her!, magiging Balae ko na pala!" Sabi ni Tita at tito na tuwang-tuwa

"Alam mo hijo, When Callix broke up with Aisha she really swore to herself na she will no longer trust anyone especially guys. Now look! she's getting married!" Sabi ng mommy ni Aisha at si Aisha naman napairap na lang 

Alam kong ayaw na ayaw n'yang pinaguusapan 'yung Callix na 'yun

"By the way, we want the both of you to have your engagement party, so by that we're going somewhere tomorrow and prepare for the party!" Sabi ng mommy ni Aisha at si Aisha naman napa-awang na lang yung bibig

This is not happening 

"May class kami bukas mom, sa saturday na lang" Sabi ni Aisha at tumango naman ako

"Okay then, saturday. Free you sched Gelo ha?" Sabi sakin ng mommy ni Aisha at tumango naman ako

Nagkwentuhan lang kami saglit tungkol sa buhay nila at buhay ng parents ko. It seems na they are really close dahil naiiyak si Mommy nung kinekwento ko 'yung wedding nila Mommy at Daddy ko

"Thank you Gelo for making my daughter happy" Sabi ni Mommy at niyakap ako

Nagpaalam ako sa kanila at gusto raw sumama ni Aisha. pumunta daw ulit kami sa Brooklyn Burger dahil gusto daw nya magpakawala ng stress

pumayag naman ako kahit may klase pa kami bukas. 

"Di ba hindi ka pa natutulog?" Sabi ko kay Aisha at tumango naman sya. Napa-iling na lang ako

"Gago ka kasi e, I am ready to tell my parents na we're not really getting married ikaw naman 'tong epal" Sabi ni Aisha at natawa na lang ako 

"Alam mo ba, Katherine texted me na I should wait for her child daw because she wants to have her son or daughter as part of the wedding entourage!" sabi ni Aisha na inis na inis

"I really have  to take a drink" sabi ni Aisha at bumaba ng sasakyan

"Gelo, what if my parents will not believe us dahil matindi pala ang closeness ni Mommy sa parents mo" 

Yun din ang nasa isip ko

"Hindi naman pwede na magpakasal tayo without any attachment with each other no!" Sabi ni Aisha as she waves her hands

"Edi gawin nating attached 'yung isa't isa" sabi ko sa kanya

"What did you say?" Sabi ni Aisha habang nakatingin sakin

"Fall for me and I will also consider to fall for someone for the first time"

My One and Only Chess MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon