Chapter 1

48 1 2
                                    

Dedicated sa kanya. Kasi siya iyong gumawa ng cover ng story. Hehe. Thanks bes. ;)

Enjoy guys. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 1

Claire’s POV

“Claire.. Please huwag mo kong iwan. May ibang paraan pa naman para gumaling ka diba? Dito ka na lang sa Pilipinas.. Ikaw na nga lang iyong bestfriend ko dito tapos aalis ka pa..”

“Sorry talaga bespren.. Pero kailangan ko talagang pumunta sa America. Sabi kasi ni mommy at daddy iyon lang ang paraan para gumaling ako. Ayoko naman silang makitang nalulungkot tuwing inaatake ako at lumalala iyong sakit ko. Para rin to sa kanila.. Kahit mahirap... Gagawin ko. Tsaka kailangan na rin naming lumipat dun dahil sa business ni Daddy…”

“Naiintindihan ko naman yun. Alam kong mahalaga sa iyo ang parents mo. Tsaka, ako rin naman.. gusto kong gumaling ka.. Kaya okay na sa’kin.. Kakayanin ko…. Basta tawagan mo ko palagi ha.”

 “Oo naman. Haha. So pa’no ba iyan, magpakabait ka dito ha?”

“Syempre. Haha. Mag-iingat ka dun ha. Huwag mo kong kakalimu-

***RINGGGGGG!!!!!!!!!!****

Nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock. Ay oo nga pala. Back to school na naman. Tapos na kasi iyong 1st semester. Kakatapos lang din ng sembreak namin.

Haayy. Tungkol na naman sa childhood friend ko iyong panaginip ko ngayon.. Kumusta na kaya siya ngayon… Wala na rin kaming communication kaya hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya. Sana okay lang siya. Miss na miss ko na siya.

Makaligo na nga lang. Baka ma late pa ako sa klase ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis.. bumaba na ako para kumain ng breakfast. Pumunta na ako sa dining room at dun ko nakita sina Mami at Dadi.

“Good morning baby! Gising ka na pala. Halika ka na. Kumain ka na ng breakfast.”

“Good morning po Dad. Good morning Ma. Umm.. dad, hindi na po ako baby. 15 years old na po ako. -_-”

“Hahaha. Alam ko naman iyon. Pero ikaw pa rin iyong bunso namin. Ikaw pa rin iyong baby girl namin. Hayaan mo na lang ako anak. Haha. Syanga pala, kailangan mo na pa lang magpa check-up. Magpasama ka mamaya sa driver mo. Pagkatapos ka niyang sunduin sa school, diretso na ka’yo sa clinic ni Doc. ”

May sakit kasi ako sa puso. Kaya palagi nila akong pinapa check-up sa doctor.. Natatakot kasi iyong parents ko na bigla na lang akong atakihin ulit.

Iyon din yung isa sa mga reasons kung bakit pumunta kami rito sa America. Sabi kasi nila na rito lang daw matatagpuan iyong gamot sa sakit ko.

Pero it turns out, hindi pa pala ako magaling. Iyong operasyon na ginawa nila, ni lessen lang nito ang chances na lalala ang sakit ko.

Kaya ganun na lang ka concern sina Mami at Dadi.

“Okay po Dad. Sige po. Kailangan ko ng pumasok baka ma late pa po ako eh.”

“Sge anak. Be good ha. Mag-iingat ka palagi.”

“Opo. Bye Ma, bye Dad.” Kiniss ko na sila tapos pumunta na ako sa labas at pumasok sa car.

Medyo malayo-layo rin iyong school namin kaya matagal kaming nakarating dun.

Can This Be... Love??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon