Chapter 7

33 1 1
                                    

Please read the note sa baba. :) 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 7

“Bespren akala ko ba umuwi na si Francis??” May halong inis iyong pagkasabi ko kay bespren nun.

“Akala ko nga rin eh.”

Pagdating ni Francis sa’min sinamaan ko agad siya ng tingin. Tssss. EPAL.

“U-uhh… Lala samahan mo naman ako oh.”

“Bakit kailangan ka bang samahan ni Claire?? Di mo ba nakikita na nag-uusap kami ng bespren ko??? Pwede bang mamaya ka nalang magpasama sa kung saan man kayo pupunta??”  Susugod-sugod ka dito tapos magpapasama ka lang pala. Ano ka?? Bakla??

“Teka lang bespren.. (tapos pumunta siya sa gitna naming ni Francis)  Francis ano ba talagang meron?? Sa’n ba tayo pupunta??”

“Uhmm.. Wala naman. Dito lang. Nawawala kasi iyong phone ko eh. Naisip ko na baka naiwan ko dito sa bahay niyo..”  Nawawala iyong phone niya????!!! Iyon lang????!!!! Ok na sana kung ganun ka importante eh, pero cellphone lang pala????!!! Ganun ba ka importante iyong phone niya?? Pwede naman siyang bumili ng bago ah! Ang yaman kaya nila! Tssss.

Ang sabihin mo, gumagawa ka lang ng paraan kasi alam mong mas malaki ang chance ko kay Claire kaysa sa sa’yo. Gumagawa ka pa ng palusot para di matuloy iyong pag-amin ko sa kanya. Suuuus. Nakaka bad trip.

“Phone mo??? Iyon lang??? Eh ang yaman-yaman niyo naman ah. Pwede ka namang bumili ng bago. Tsss.”  Bahala na kung mag-away kami rito. Naiinis talaga ako sa kanya eh.

“Hayaan mo na bespren. Tulungan ko na lang siyang maghanap ng phone niya tapos usap na lang tayo ulit.” Bulong sa’kin ni bespren. Haay..

“Di, bespren ok lang. Tutulong na lang rin ako sa paghahanap ng PHONE NIYANG LALAKENG IYAN..” sinamaan ko ng tingin si Francis habang sinasabi ko iyon tapos nag smirk lang siya sa’kin. WOOOOO. Sabi ko na nga ba eh, may balak talaga tong lalakeng to.

So ayun na nga, hinanap naming iyong “phone” ni Francis.. Hindi ko alam kung anong ginawa niya para mapaniwala kaming nawala nga iyong phone niya kasi in the end, “nahanap” naman namin.. Baka pagtalikod namin, nilagay niya agad sa may sofa para sabihing naiwan talaga.. Tsss. -_-

Nakapag decide rin ako pagkatapos nun na umuwi na lang.. Siguro next time nalang kami mag-uusap ni bespren..

Ilang beses kong sinubukan na sabihin sa kanya..

Kaya lang.. everytime na tinatry kong kumausap sa kanya.. may mga sumusulpot agad, minsan iyong barkada pero kadalasan, si FRANCIS!!!!!! 

Haaaayyy. Ewan ko na lang sa kanya.

Claire’s POV

Ilang araw na ang nakalipas mula nung nag-usap kami sa garden ni bespren. Sobrang nagulat ako kay bespren nun kasi dun ko lang siya nakita na nainis ng sobra. Dati ‘pag may sumusulpot tuwing nag-uusap kami, wala lang naman sa kanya iyon. Naiinis din pero iyong pabiro..

Pero iba iyon eh, iyong convo naming sa garden, parang sobrang seryoso. Sabi niya lang, “Bespren, mahal k-” tapos naputol.. Baka naman sasabihin na niya kung sino iyong babaeng tinutukoy niya sa’kin nung Halloween Party.

Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot. Haaay. Ano ba naman tong nararamdaman ko. Diba dapat maging masaya ako kasi muntikan na niya sanang masabi kung sino iyong girl?? Dapat masaya ako kasi makikilala ko na iyong taong mahal niya..

Can This Be... Love??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon