Chapter 8; *Suprise Savior*

118 6 7
                                    

Tapos ng school ko dumerecho ako sa Robert's noodle house at nagtrabaho pero BAKIT NA NAMAN SIYA NADITO?!

"Waitress, pwede na maka-order. " sabi ni Kyle na nakaupo sa isang lamesa sa kilid ng store.

Pinntahan ko siya at sinabi ko ng pagalit. " Kyle, alam mo sa dami ng famous restaurant dito bakit hindi ka na lang doon pumunta. At wag mo nga akong asarin dito."

"No." sinabi niya sabay labas ang dila.

"IKAW TALAGA!" 

" Excuse me, ang sama ng inyong ~ ofp" pinigilan ko siya kaagad at tinakpan ang kanyang bibig.

"Ok, ok. Ano PO!, ang order niyo, SIR?!" tinanong ko siya ng pagalit pero nakalimutan ko ang kamay ko ay nasa kanyang bibig. Huh? Bakit parang basa? 

"EKKK?!" dinilaan ni Kyle ang aking kamay! 

"Isang crab noodle soup, please?" sinabi ni Kyle parang wala lang nangyari.

"KYLE!" sinabi ko at sabay dukot ang kanyang collar sa uniform sa inis sa ulo. Nagulat lang ako ng pinakitaan niya ako ng isang nakakatakot na ngiti at tiningnan ang tao sa akin likod. Bakit parang masama ang feeling ko.

"Excuse me?" sabi ni Kyle at tinuro-turo ako sa ulo para ipakita sa tao sa likod ko. Ang balahibo ko ay tumayo ng tumingin ako sa aking likuran. AHHH!!! Masama ang tingin ni tita Maria sa akin mula sa counter katabi si Rina.

" Ok sir right away." sabi ko kay Kyle na sa sobrang takot namamadali ako ng kinuha ang kanyang order at pinuntahan si Rina.Suwerte pumunta na si tita Maria sa kusina. Bakit ko kasi nakalimutan na masyadong stricto pala si tita Maria sa trabaho. Parang isang leon siya magalit kahit si tito Robert hindi makapigil sa kanya. 

Ha~ Today na pala ang pagasingil ng mga gangster sa amin. Sabi ni mommy P20,000 na lang ang kulang. Sana pautangin ako nina tita Maria at tito Robert mamaya. Ha~  

*Nakita ni Kyle na parang nag-aalala si Jessie sa ano mang bagay. Parang palagi siyang tinatakasan ng hininga. *

" Here sir, your order. " Inilagay ko ang noodles sa table ni Kyle at umalis kaagad pero bigla lang may humawak sa aking braso.

"What's the matter? Parang may problema ka."  sinabi ni Kyle na may suot na siryoso na mukha.

"Wala...wala." sagot ko sa kanya ng mahina na boses at umalis. 

Ok almost 7pm na, ang aking curfew. Nang na tapos na ako makabihis bilik sa uniform, pinuntahan ko kaagad sina tita Maria at tito Robert sa kusina.

" Tita Maria, tito robert, umm."  nahihiya akong sabihin ito.

"Ano yun, Jessie?" tanong ni tita Maria.

"Kasi...gusto ko sana mag-utang sa inyo ng P20,000...Pero wag kayo mag-alala babayaran ko kayo kaagad. Sisipag ako sa aking trabaho." sinabi ko sa kanilang dalawa na mabilis sa kaba na baka sila ay magdadalawang isip.

"Alam naman namin na masipag kang bata. Heto P20,000 ibabawas lang namin ito sa iyong suweldo." sabi ni tito Robert na may dalang ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Playboy Prince has Met His Stubborn Princess   (English~ On Going)Where stories live. Discover now