Chapter 7; *School Rumors*

97 5 0
                                    

Wednesday na at parang hindi magandang araw ito para sa akin. Nang pumasok ako sa school ngayon, lahat ng mata ay nakatingin sa akin, sa hallway, comfort room, lobby, classroom kahit sa faculty. Ano ang nangyayari sa mundo? Parang kahit saan ako pumunta may mga mata na tumitingin. Hai na ko... Nangyari ito kasi sa halik na naganap kahapon. Talaga naman!!! Hate ko na talaga, super si Kyle.

Umupo na lang ako sa aking desk sa classroom at walang balak lumabas.Recess na kasi ngayon kaya ang daming estudyante sa labas. Nakita ko sina Trixie at Freya na papunta sa akin.

"Hey, Jessie. Ikaw na ang bagong hot topic sa school." sabi ni Trixie sabay kuha ng empty na upuan at itinabi niya ito sa akin.

"Grabe, Jessie. Kahit saan talaga, ikaw ang pinag-uusapan." Sabi naman ni Freya at umupo sa harapan ko.

" Kasalanan kasi ito ni Kyle. Bakit niya ba ginawa ang bagay na iyon at nasa harap pa ng maraming tao!" dumuko ako sa hiya ng sinabi ko ito.

"Ang panget pa doon na sa STAR Section building pa naganap. Bakit ka ba pumunta doon in the first place?" tanong ni Trixie.

 "Kasi nang isang araw nakita ko ang cellphone ni Kyle sa aking desk. Ibinalik ko lang naman sa kanya iyon pero hindi ko naman akalain na hahalikan niya pala ako! Bakit siya pa ang  FIRST KISS KO?! " Galit kong sinabi at sabay tingin sa bubong.

"Jessie, meron pang bad news." pabulong na sinabi ni Freya.

"Ano yun, Freya?" tiningnan ko siya at tinanong ito.

"Well...Kasi meron ako nakita kanina ng papunta ako sa CR. Meron kasi...umm..picture ninyo ni Kyle sa bulletin board."mahina niya itong na bangit. 

"ANO?!!!" bigala akong tumayo at tumakbo palabas.

"Jessie?!" sabay nina Trixie at Freya na sinabi, at hinabol si Jessie.

Woah! Ang dami naman tao na nakapaligid sa bulletin board na nasa lobby. Kaya mo to Jessie. 

"Excuse me." sabi ko ng unti-unti siniksik ang aking sarili na makalusot sa maraming tao. Nang na doon na ako malapit sa bulletin board, Ahhh! Kinuha ko kaagad ang nakalagay na picture at tinitigan na hindi makapaniwala. Naghahalikan nga kami ni Kyle sa picture.

"Sino...Ang kumaha...nito..." nasabi ko ng mahina habang nguminginig ang aking mga kamay.

"Wow. Nice shot." sabi ng isang lalaki sa likod ko at bigla ko siya tiningnan at  nagulat na siya si~

"Si Kyle Alistair ng Mighty Seven, Kyaaaa!" sigaw ng mga babae sa sobrang kilig.

Hindi ko pinansin ang mga fans ni Kyle at tiningnan ko siya ng masama. 

"Wala ka talagang pakealam no. Akala mo isang game lang to. No wonder title mo ay Playboy Prince. Ano ba ang gusto mo sa akin?!" sinabi ko sa kanya.

"Gusto maging fake girlfriend kita. " binulong niya sa akin.

"Sorry to tell, I AM NOT FOR HIRE!!!" sabay tapon sa kanya ang picture at tumalikod paalis.

"hahahaha...Wow I got a long way to go."  na pasabi si Kyle at tiningnan si Jessie.

May biglang umakbay kay Kyle at sinabi "Wow , so siya naman ang next target mo Kyle? Nice picture." 

"Ano naman ang ginagawa mo dito Ryan?" sabi ni Kyle.

"Ayaw ko mabitin sa gimik no." sabi ni Ryan, isang member ng Mighty Seven.

"Kyaa, si Ryan Castillo!!! " sigaw ng mga estudyante na babae.

"Ang mga heart throb sa school, sina Ryan and Kyle ay  magkasama.Kyaaa!"  sabay sabi ng mga babae at bigla gumawa ng circle na ang dalawa ay nasa gitna.

"Ok alis muna tayo dito. Parang center of attention na naman tayo." sabi ni Ryan kay Kyle ng makita na pinalilibutan na sila ng mga babae. Nagtinginan silang dalawa at sinabi ni Kyle na sinundan ni Ryan.

"Ok, on your mark~"

"Get set~"

"And go!" 

Side by side na tumakbo ang dalawa at sila ay hinabol ng mga babae. Kahit saan sila pumunta at nang makatakas na sila sa mga fans nila, sa garden sila tumambay.

"Huff..huff...huff... Ok ang hirap talaga kung gwapo ka. Nakakatakot ang mga fans." humihingal na pagsabi ni Ryan kay Kyle.

"Huff...hahahaha... suwerte lang na hindi natin kasama sina Edrian at Felix, o mas marami pa ang hahabol sa atin." sabi ni Kyle kay Ryan.

"Hahaha. Tapos sisigawan naman tayo ni Olivia, wag na. Parang dragon ang babaeng iyon." sabi ni Ryan.

"Ring, Ring, Ring"

"Ok, times up. Halika na Ryan baka sisigawan pa tayo ng dragon." sabi ni Kyle at sabay na tumayo sa kanilang inuupuan. Sumunod rin si Ryan at nagpatungo silang dalawa sa kanilang private classroom ng mga Mighty Seven.

"Ah, Kyle nakalimutan kong tanungin, si Jessie Mendyson ba ang babae sa ~" tanong ni Ryan habang lumalakad silang dalawa na bigla pinutol ni Kyle.

"Wag mo ng tanungin"

"Alright, Alright. I get it na..."

The Playboy Prince has Met His Stubborn Princess   (English~ On Going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz