Chapter 4; *Midnight Madness*

105 4 1
                                    

"Nadito na ako,Mommy."Sabi ko ng pumasok ako sa aming bahay.

"Ah, Jessie. Kamusta ang iyong school?"tanong ni inay ng makita niya ako.

"Ok lang po,mommy. Pasok muna ako sa aking kuwarto." Sagot ko kay inay at pumasok muna sa aking kuwarto at nagpahinga sa aking kama.

Ako ay only child at kami lang ni inay ang magkasama sa isang bahay. Si tatay naman isang layas. Hindi ko nga alam kung saan na siya ngayon at wala rin akong pakealam. Ang huling kita ko sa kanya ay nag-aaway sila  ni inay, sabihin natin 5 years na ang nakalipas ng huli ko siyang makita. Doon nga nagstart ang pag-warning ni inay sa akin na hindi mainlove sa isang playboy at hindi magpabola sa mga lalaki dahil isang malaking playboy si tatay bago makilala si inay. Akala ni nanay na nagbago na siya pero isang araw nakita ni inay si tatay may kasamang babae at pagkatapos nila umaway lumayas kaagad si tatay. Ang problema ngayon ay may utang si tatay sa mga gangster kaya ngayon mahirap ang buhay namin ni inay at tumitira kami sa isang maliit na bahay. Ito ang dahilan hate ko ang mga playboy.

Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang cellphone ni Kyle. Hai na ko, bakit kasi na doon ang cellphone niya sa aking desk, ayaw ko talaga ko siya makita! Sa matinding kakaisip ko kay Kyle na ipinikit ko ang aking mga mata ng sadali.

"Mrs. Mendyson! SAAN NA ANG PERA! " Nagising ako nang sigaw narinig ko sa ilalim at dali-dali na lumabas sa aking kuwarto at na kita ko ang tatlong lalaki na nasa harap ng aming pintuan. Ahhh! Ang mga GANGSTER!

"Bigyan ninyo lang ako ng kaunti pang panahon. Babayaran ko kayo ng buo."Sagot ng nanay ko sa kanilang tatlo.

" Ha!, Ang tagal na ng oras na ibinigay ko sa iyo! Mrs. Mendyson inuubos mo ang pasensya ko~" hinawakan ng gangster na kalbo ang damit ni inay kaya sinugod ko siya.

"Bitawan mo ang nanay ko!" Sinabi ko sa kanya at bigla kong siya binigyan ng flying kick. Napatalsik siya sa impact ng aking sipa.

"IKAW BATA KA!" Pasigaw niyang sinabi at sinugod ako pero bigo siya dahil mabilis akong makaiwas. Sana susugod rin ang dalawang kasama niya pero~

"BANG!BANG!BANG!" Tatlong putok ng baril ang nagpahinto sa kanila.

"Tumigil nga kayo!" Sabi ni inay ng pasigaw na may hawak na baril at itinutok niya ito sa mga gangster. "Bitawan ninyo ang aking anak, o hindi kayo makakalabas dito ng buhay."

Bigla sila napatakbo at ang lalaki kalbo ay sumigaw sa malayo."Meron kayong tatlong araw, Mrs. Mendyson at babalik kami." Tumakbo sila ng mabilis ng pinapaputok ni inay ang kanyang baril ulit.

Nang wala na sila, isinara ni inay ang pinto at biglang napaupo sa mga nangyari. Nakuha baka ni inay ang baril habang inaaway ko sila. Suwerte isang pulis ang lolo ko at binigyan si inay ng isang baril.

"Mommy, wag kang mag-alala. Hahanapan ko ito ng paraan." Sinabi ko kay inay sa kanyang tabi .

"Jessie, salamat ha. Sorry nadamay pa ikaw sa gulong ito." Mahina na naisabi ni inay.

"Magkano ba ang utang ni tatay sa kanila." tanong ko kay inay.

"P150,000 na dapat P50,000 lang. Lumaki ito dahil sa interest. Nakakainis talaga ang iyong ama. Kung babalik siya dito papatayin ko talaga siya, tingnan lang natin."sagot niya sa akin.

"Hahahaha. Sorry na lang si tatay.Wag na ninyo siyang isipin. Simula bukas hahanap na ako ng isang part time job. Hahanap ako ng paraan mommy. Tutulungan kitang hanapan ito ng lunas." Niyakap ko ang aking ina habang sinabi ito.

Ano ang gagawin ko ngayon. Kaya mo iyan Jessie. Bukas na bukas meron kang liwanag. Ibibigay ko pa ang cellphone ni Kyle bukas. Saan naman ako makakahanap ng P150,000. Hindi ko pwedeng hingan ng tulong sina Trixie at Freya dahil ayaw ko silang madamay sa gulong ito. Sana mayaman ako kagaya ni Kyle, na mayari ng isang Hotel Company. Ahhhhhh! Bakit siya pa ang na naisip ko.

Lord God, Please  tulungan niyo ako makahanap ng paraan para mahanapan ito ng lunas. Kahit ano ay gagawin ko please tulungan ninyo ako. Sana Lord meron tao diyan para makatulong sa akin. 

                                                                                                                                                ~Amen

Pagkatapos kong magdasal ako ay nakatulog sa sobrang pagod sa kakaisip ng nangyari at inaabangan ang magaganap na pag-asa bukas. 

The Playboy Prince has Met His Stubborn Princess   (English~ On Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat