Chapter 10

36 3 3
                                    

"Joseph, ikaw ba yan?"  Si Carla 'to ah.

Ito na siguro ang matagal ko nang hinihintay.

Humarap ako.

Si Carla nga.

"Long time no see, Espren." Sabi ko

"ESPREEEEENNNNNN!!!!!!" Sigaw ni Carla sabay takbo papunta saakin. Sinalubong ko naman siya ng isang napaka-higpit na yakap.

"I miss you, espren." Bulong ko kay Carla.

"Na-miss din kita." Sabi niya sabay hikbi

"Oh, bakit ka umiiyak?"

"Gago ka kasi eh! Iniwan mo ako tapos ngayon babalik ka?" Sermon niya saakin habang sinusuntok ang dibdib ko.

 "Sorry na Espren. Pero, andito na ako oh, Lawyer na! Bumalik na rin ako!"

"Ano ba ang dahilan mo bakit ka bumalik?"

"Ahhh. Kasi ano, ahhh.. Magpla-plano kasi ako ng wedding ko."

"Huh? Wedding?" Nakikita kong malapit nang tumulo ang kanyang luha. Bakit kaya?

"Ahh Oo eh. Ikakasal na ako Carla."

"Kanino?" Tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha.

"Kay Eunice. Yung ex ko."

"Binalikan mo?"

"Oo eh. Mahal ko pa rin."

"Ahh. Congrats sa inyo ah!"

"Thank you! Dapat nandoon ka sa kasal ko ah? Ikaw ang gagawin kong bestman ko! HAHAHA Oh, bakit nakapambabae ka? Nagbago ka na?"

"Oo eh. Nagbago ako para sakanya."

"Sino naman siya?"

"Ahh basta. Sige espren, una na ako ah? Kita na lang tayo ulit. Bye!" Tumakbo na siya.

Tumakbo na siya. Tumakbo papalayo saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Espren, I Love you. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon