Nakatayo ako habang tulala at tinitignan ang kabuuan ng siyudad. Pawis na pawid at bakas pa sa aking mukha ang pagod at mga luha.
Ubos na ang lakas ko para lumaban. Ubos na ako.
"Vien! Hindi pwedeng umalis kami rito! Gusto kong makapaglaro pa tayo. Gusto kong makasama pa kita."
Sambit ng sampung taong gulang na batang si matthew sa akin. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang sundin ang pamilya niya.
"Pero Mat, dapat lang na sumunod ka. Para rin naman sa ikabubuti mo 'yon!"
May ideya na ako kung bakit nais ng magulang niya na umalis sila at ilayo sa akin ang anak nila. Siguro ay isa na ring dahilan na nasa ibang bansa ang lola niyang may sakit pero nasisiguro kong isa rin sa mga dahilan ay nalaman nilang bayaran ang mama ko. Mayaman sila. Mahirap kami.
Ang pagkalat ng balitang iyon ay napakabilis. Isang araw nalang ay gumising ako na pinandidirihan ng lahat.
Ipinaliwanag sa akin ng mama ko ang dahilan. Kung bakit ganoon. Sa murang edad ay namulat na ako sa mundo. Sa diskriminasyon. Sa kahirapan. Sa kakulangan ng pagmamahal ng isang ama.
Pakiramdam ko noon ay wala na akong mapupuntahan. Wala nang magbabalak makipagkaibigan. Wala akong maaaring sandalan kapag ako ay may kailangan kundi ang aking nanay.
"Hindi naman kita maintindihan Vien eh! Ayaw mo na bang kasama ko? Ayaw mo ba akong kalaruin? Kapag umalis ako wala ka nang kalaro pati ako!" pagmamaktol niya.
Nandito kami sa palagi naming pinupuntahan. Isa itong parke. Malapit lang ito sa paaralan na kaniyang pinapasukan kaya naman ay madalas kaming nandito. Kung minsan ay tinatakasan niya ang yaya niya para lang makapaglaro kaming dalawa.
"Mat, intindihin mo nalang magulang mo. Babalik ka pa naman diba? Magkikita pa tayo."
Napabuntong hininga ako. Ilang beses ko na sa kanya pinaliwanag ito. Nagulat ako kanina nang nagmamadali siyang lumapit sa akin habang nakaupo ako sa isang malaking bato. Hindi ko nakita ang yaya niya, siguro ay tinakasan na naman.
Tinignan niya ako. Nasasaktan siya sa mga sinasabi ko. Siguro'y iniisip niyang pinapaalis ko na siya. Na ayaw ko na siyang makita.
"Hindi ko alam kung bakit pinipilit mo akong sumama sa kanila. Hindi kita maintindihan. Pero kung yan ang gusto mo, sige."
Naging malumanay na siya pero iniwas niya sa akin ang paningin niya.
"Babalik ako Vien. Alam kong matatagalan kami. Pero sana mahintay mo ako."
'Oo naman hihintayin kita.' sagot ko na pinanatili ko nalang sa isip ko.
Tinignan niya ako ngayon ng diretso.
"Wala ka nang makakalaro." at skaa siya ngumuso.
Napangiti ako dahil don. Alam ko namang ayaw niya lang na maranasan kong muling mag isa. Alam niya ang lahat ng pang aaping natatanggap ko sa mga nakapaligid sa akin. Mapabata man o matanda ay ipinagtatanggol niya ako. Ako lang daw kasi ang nakaibigan niya na hindi pera ang habol sa kaniya. Dati raw kasi ay palagi siyang nananakawan ng mga laruan at palaging nagpapalibre.
"Hindi ko naman kailangan ng kalaro. Ayos na akong tinititigan yung ibang bata na masaya at may kalaro." nakangiti kong sinabi sa kaniya at saka binalingan ang ibang batang naglalaro sa parke.
Nakalayo ito sa amin. Halos lahat ng kasama naming bata dito ay nag aaral din sa paaralan niya. Mayayaman. Hindi na ako nagtataka kung bakit maingat ang mga yaya ng mga ito na huwag lumapit sa akin.
YOU ARE READING
YOU'RE THE BEST PART
Fiksi UmumSa buhay, may isang taong darating para tulungan tayo. Para mahalin tayo. Para maging sandalan. Para maging kaibigan. Marami tayong dinadalang problema dito sa mundo at masasabi nating kung dumating man ang taong 'yon ay siya na ang pinakamagandang...