First Meeting, First Date. ♥

59 1 1
                                    

Natuwa ata sya sa sinabi ko? Ngumiti sya eh.

“Ayiee. Tara, lakad lakad tayo, Mahal” sabi nya, tapos tumayo sya, Kinuha nya yung Bagpack ko, sya nagdala.

Tumayo na din ako.

Hinawakan nya yung kamay ko, Tapos naglakad lakad na kami.

Kinikilig ako Promise! Alam kong Kunwari lang to, Pero nakakakilig talaga eh. ><

“Mahal, punta tayo sa Michiko, may bibilhin lang ako.” Sabi nya

Michiko yung tindahan ng mga accessories. Japanese yung may ari, kaya Michiko yung pangalan.

“Sige, bahala ka.” Sabi ko. Enebe?!! Kinikilig naman kasi ako eh. ><

Pumunta kami sa Michiko,

“Hello sir, Couple Ring po?” sabi nung sales lady

“Oo. Para samin ng Mahal ko,” sabi nya, Napatingin ako sa kanya.

Kung lolokohin mo lang ako, Magpapaloko ako. Yan yung iniisip ko nung mga panahon na yun

“Ano’ng size po Sir?” sabi nung sales lady

“20 at 19.” Sabi nya,

19? Hindi ako bumibili ng mga singsing eh, kaya hindi ko alam kung ano’ng size ng singsing ko.

“Eto po sir,” naglabas ng 4 na set yung Saleslady.

Yung isa, Plain silver lang. yung isa, May parang infinity na Symbol, Pero Puzzle Ring, yung isa, may Black na Butterfly na design, Yung isa naman, May heart shape nakaukit sa loob.

Tiningnan nya yung mga Singsing,

“Ano’ng gusto mo, Mahal?” sabi nya sakin, >/////////////< Shet naman. Tingin nya palang naiinlove na ako. ><

“Ka-Kahit ano, ikaw bahala” sabi ko nalang. Pero gusto ko yung may Butterfly,

Tiningnan nya uli yung mga singsing na naka display.

“Hhmm. Eto nalang,” sabi nya, ang pinili nya, yung May Heart na nakaukit sa loob.

Okay lang, maganda din naman yun.

“Sa counter nalang po, Sir.” Sabi nung saleslady

Pumunta kami ng counter, Binayaran nya yung Singsing.

Sinuot nya na yung kanya,

“Mahal akin na Kamay mo, Isusuot ko ‘to sayo.” Sabi nya. Keleeeeeeeeeeeeeeg. <3

Binigay ko yung kamay ko,

Sinuot nya sakin yung Singsing, habang sinusuot nya, Nakatingin sya sakin.

“Yan~ Bagay sayo Mahal ^^” sabi nya ng nakangiti.

Natutuwa ako. :">

“Oo nga eh, salamat ah~” sabi ko sa kanya

Naglakad na kami palabas ng Michiko, naglalakad lakad lang kami

Tiningnan ko yung kamay ko, Maganda nga. Kaya lang may naalala ako. Bawal nga pala ako magsuot ng singsing! Kasi mamamalat yung Daliri ko. </3

“Oo nga pala, Irvin.” Sabi ko,

“Mahal. Mahal itawag mo sakin~Mahal naman eh~” sabi nya

“E-Eh, bawal ako magsinsing eh.” Sabi ko nalang, nahihiya akong tawagin sya ng Mahal. ><

“Eh? Bakit naman?” sabi nya,

“Kasi mamamalat yung daliri ko.” Sabi ko sa kanya.

“Ah! Okay lang yan, sandali.”

Tumigil kami sa isang tabi, may kinuha sya sa may dibdib nya, Kwintas. Hinubad nya.

“Akin na yang Singsing mo, Mahal.” Sabi nya tapos hinubad ko yung singsing ko. Kinuha nya tapos ginawa nyang pendant nung Kwintas.

“Ayan! Nagawan ko ng paraan ^^” sabi nya ng nakangiti

Napangiti nalang ako, Ang sweet nya naman kasi. >///<

“Susuot ko sayo,” sabi nya, hindi nya ako pinatalikod. Sinuot nya sakin yung kwintas. Para na nya din akong niyakap. <3

“Ayan~ bagay sayo Mahal! ^^” sabi nya

Napangiti ako. Nakakainis hindi ko na kayang pigilan kilig ko ><

My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon