My Boyfriend is a Coward? ♥

61 0 0
                                    

Tumayo ako, tumayo na din si Irvin, inayos nya yung sarili nya tapos naglakad na kami palabas, hindi pa kami nakakalapit sa gate ng biglang Kumulog tapos Kumidlat.

“WAAH! ><” sino? si Irvin yun, napayakap sya sakin.

Seriously? Hahaha. Si Irvin, takot sa Kulog at Kidlat? Hahaha. Ang cute. <3 Meron pa lang nag eexist na ganun no? akala ko sa Manga lang yun nag eexist eh. Hahaha <3

Hindi kami gumalaw sa pwesto namin, si Irvin kasi, Masyadong mahigpit yung hawak sakin.

Okay lang naman sakin, Ang saya nga eh. Kinikilig kaya ako ngayon! >/////////<

Kaya lang  nagsimula nang umulan. Tapos Lumakas.

“HoyIrvin, Naulan na kaya oh?  Takot ka talaga?” Sabi ko ng natatawa.

Inangat ko yung kamay ko, parang sinasalok ko yung ulan.

Nakayakap pa din sakin si Irvin.

Nakatayo lang kami dito, basang basa sa ulan. [Uyyy. Kinanta nya <3 hahahha]

“Rei! Pasok na! Ang lakas ng ulan oh!” Narinig ko, si Mama yun.

“Rei!!” sabi uli ni mama.

Hindi naman ako makasagot, kasi hindi ko alam kung pano ko sasabihin na hindi ko pa nahahatid si Irvin, eh kanina pa kami nag paalam. 

Tapos nakita ko si Mama, may dalang payong. Alam ko nakita nya kami ni Irvin.

“Hoy Rei! Ano ba yan at nagpapaulan kayo?” sabi ni mama Nilapitan nya kami

“Kasi si Irvin ma, Natakot sa Kulog at Kidlat. Ayaw nga gumalaw eh.” Sabi ko,

“Tara na sa loob, Papasukin mo na din si Irvin,” sabi ni mama

Pinayungan nya kami, nung una, ayaw talaga maglakad ni Rain, nakayakap pa din sya sakin. Pero kasi naglalakad ako kaya medyo nakakaladkad sya, kaya naglakad na din sya.

Nakapasok na kami,

“Oh, ano nangyari dyan?” sabi ni papa

“Ewan ko ba dyan sa dalawang yan.” Sabi ni mama

“Takot kasi si Irvin sa Kulog at Kidlat eh.” Sabi ko, si Irvin naman nakayakap pa din sakin

Umupo kami, nagpakuha si mama ng Towel sa maid, tapos nagpatimpla ng Hot Chocolate

Nagpunas ako, inalis ko muna yung pagkakayakap sakin ni Irvin, nakaupo lang sya tapos nakayuko.

Binigyan ko sya ng Tiwalya

“Irvin, magpunas ka oh.” Sabi ko,

“Matutulog na kami Rei. Maiwan na namin kayo, bukas mo na pauwiin yang si Irvin. Dito mo na patulugin.” Sabi ni Papa

“Teka Pa! saan matutulog si Irvin?” sabi ko kay papa. Gamit kasi ng 2 ko’ng kapatid yung Guest Room, gamit naman ni mama at papa yung Isa pang bakanteng kwarto.

“Edi sa Kwarto mo. Alangan namang patabihin mo yan saamin? O sa mga Kapatid mo?” sabi ni Papa

Wow Pa,  Salamat ha.

“E-Eh..” sabi ko

“Hay nako Rei, Kung may gagawin man kayo, eh bahala kayo sa buhay nyo, Basta gusto ko Lalaki ha.” Sabi ni Papa.

>/////////< Lalaki daw? Ano ba Pa?! Ilan ba? Hahaha.

“Hay nako tumigil ka nga dyan!” sabi ni Mama,

“Rei. Babae ha!” sabi ni Mama.

-.- Urur.

“Ma naman! Grabe ah! Loyal kaya ako kay Sungmin!” sabi ko

Tumawa sya

“Nako Rei, hindi natin yan masasabi, Sige na inaantok na ako.” Sabi ni mama, tapos umalis na sila ni papa.

Dinala na nung maid yung Hot Chocolate samin, kinuha ko yun, tapos nanood lang ako ng TV,

Si Irvin naman, natauhan na yata, pinupunasan nya yung sarili nya.

My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon