First Fight? and First Make up? ♥

63 2 1
                                    

Napangiti talaga ako sa tuwa. Kasi naman eh. >< Bakit napaka sweet ni Irvin? Kanis!

“Salamat, Irvin.” Sabi ko.

“Eh? Ano ba yan? Irvin tawag mo sakin? Dapat Mahal din!” sabi nya. Ang cute nya para syang bata! Hahaha ^^

“E-Eh.. kasi,” Sabi ko. Nahihiya kasi ako. ><

“Tampo na ako.” Sabi nya tapos ngumuso. Eeeeeeeeeeeeeeeeeeee~ >< Ang kyot kyot!! <3

“Eh kasi naman ano eh,” sabi ko

Tumalikod sya,

“Kinakahiya mo yata ako eh.” Sabi nya, Ang cold ng pagkaka sabi nya, Naiiyak ako. Parang kami talaga. <3

“H-Hindi naman eh.” Sabi ko,

Naglakad sya, iiwan nya ako dito?

“I-Irvin~ saan ka pupunta?” Hinabol ko sya.

“Uuwi na, text ka nalang pag may date tayo ha.” Sabi nya. NOOOOOOOOO </3 wag ka muna umalis. T^T

Tapos naglakad na uli sya,

“I-Irvin…” sabi ko, hinabol ko sya tapos hinawakan ko sya sa braso.

Naiiyak ako.

Nakatigil lang sya,

Hinawakan nya yung kamay ko, tapos inalis nya.

Tumulo na yung luha ko.

“Bye.” Sabi nya.

Umiiyak ako. Ganto ba talaga to? Ayaw mong mawalay sa Boyfriend mo? Ganun ba talaga yun?

Oh ako lang yung nagkaka ganito? Ang sweet nya naman kasi eh. Kanina lang perfect na, kasalanan ko ‘to eh.

Pinagtitinginan ako. Kasi siguro, ang pangit ko umiyak.

“Umiiyak sya oh.” Sabi nung isang babae

“Mommy! Umiiyak sya oh!” sabi nung bata.

Tumalikod ako. Naglakad ako. Opposite sa way ng pinuntahan ni Rain,

Ang sakit.

Ang hirap naman ng ganito. Simula pa lang kami, pero nasasaktan na agad ako. Bakit ganun? Mahal ko na ba sya? Agad agad? Ang sakit lang. nagalit yata sya sakin. Bakit naman kasi, >< isang word lang naman yun eh. Bakit di ko masabi? Bwiset.

Umiiyak pa din ako. Umiiyak habang naglalakad, nakayuko.

“Mahal!!!” narinig ko, Si Irvin ba yun? Hindi. Ang layo na nya kanina eh.

Hindi ko nalang pinansin, Nagpatuloy ako sa paglalakad.

“Mahal!! Ianne! Mahal ko!” sabi. Si Irvin nga! Napaharap ako. Blurred yung nakikita ko dahil sa luha ko, pero nakikita ko sya. Si Rain, tumatakbo sya palapit sakin. Palapit ng Palapit, tapos niyakap nya ako.

“Mahal, Sorry.” Sabi nya, tapos kiniss nya ako sa lips. Tapos ngumiti sya

“Sorry ulet ^^ Tahan na ah.” Sabi nya

Tumahan na ako, tinulungan ako ni Rain na punasan yung mukha ko. Ano bang trip nitong si Rain? Papaiyakin ako tapos. -.-

Pumunta kami sa Isang fastfood.

“Mahal, Sorry talaga ah.” Sabi ni Rain.

“Hindi okay lang. ewan ko ba? Hindi naman ako iyakin eh. Pero napaiyak ako kanina, Ikaw kasi. -_-“ sabi ko sa kanya

“Oh bakit ako?” sabi nya

Ang galing mo kasi umarte.

“Wala.” Sabi ko

Umorder na sya, Kumain na kami. Pagkatapos,

“Hatid na kita?” sabi nya

Ah oo nga pala, ano’ng oras na? pag tingin ko sa cellphone ko, quarter to 9 na! ><

“Sige. Lika na.” sabi ko, tapos sumakay na kami ng bus.

Dun kami sa pinaka dulo umupo, yung mahabang upuan? Sakto nalang yung space saaming dalawa, punuan kasi.

Sabi nya gusto nya daw sa may bintana, kaya dun sya. Pero,

“Mahal, palit tayo pwesto.” Sabi nya

“Huh? Bakit? Ang hirap kaya-“ sabi ko, hindi ko natuloy kasi tumayo na sya.

“Usod ka dun, dali na~” sabi nya. Umusod naman ako, ako na yung sa may Bintana.

Hindi ko alam, pero kinikilig talaga ako, Hahahahaha.

Parang napaka Perfect ni Irvin, yung totoo? Absolute boyfriend ba ito? Baka mamaya, may biglang maningil sakin ng Milyon ah. Hahahaha Pero wala namang ganun eh. Siguro nga magaling lang umarte si Irvin.

My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon