Fake Boyfriend Meets my Family. ♥

64 0 0
                                    

Bumaba na kami, tapos sumakay kami ng Tricycle, papunta samin. Nakaka kilig talaga >< Napaka mo Irvin! >< Wala ka pa ngang ginagawa, kinikilig na ako. Eh paano pala kung nagsweet-sweetan ka dyan! Edi namatay na ako? Kainis. ><

Tapos, andito na kami sa bahay.

“Uhh. Pasok ka?” sabi ko

“Andyan ba Parents mo?” sabi nya

“Oo. Pag bakasyon andito sila. Pag may pasok, wala.” Sabi ko

“Bakit naman?” sabi nya

“Kasi sa Manila nag aaral yung mga kapatid ko eh.” Sabi ko

“Ahh. Sige, pasok ako.” Sabi nya

Pumasok na kami

Sila mama at papa nasa Sala, Napatingin saamin si Mama at Papa

“Uh. Good Evening po,” sabi ni Irvin

“Good evening din.” Sabi ni papa

“Good evening. Upo ka, Nag dinner na ba kayo?” sabi ni mama

“Kumain na kami, Ma. Oo nga pala, Ma. Boyfriend ko. Si Irvin.” Sabi ko

Ngumiti lang si Irvin,

“Kamusta naman kayo ng anak ko, Irvin?” sabi ni papa

Napatingin sakin si Irvin, sinenyasan ko nalang sya na sumagot

“Okay lang po, Pa.” sabi nya

Natawa si papa. Pa? agad agad? WTF?! Hahaha <3

“Aba’t magaling. Hahaha! Ilang taon ka na, Hijo?” sabi ni papa

“17 po,” sabi ni Irvin

“Kilala na ba ng mga magulang mo si Rei?” sabi ni papa kay Irvin. WTF Pa?!

“Di pa po personally, Nasa ibang bansa po kasi sila eh. Pero lagi ko po sya kinukwento sa kanila,” sabi ni Irvin

Galing mag imbento

“Ah, edi wala ka palang kasama sa inyo?” sabi ni Mama kay Irvin

Nakatingin lang ako sa kanila

“Wala po. Ako lang po, Pinapadalhan nalang po nila ako.” Sabi ni Irvin

Totoo kaya yun? Hindi ko naman kasi kilala si Irvin, kakakita lang namin ngayon.

“Eh bakit di ka nalang dito tumira?” sabi ni papa.

o.O Titira dito? Si Irvin? Agad agad?

“Oo nga hijo, total si Rei lang naman ang nandito, at yung mga Maid. Sa isang araw, uuwi na kami.” Sabi ni Mama

My parents are really. ><

“Ma! Mag Boyfriend palang kaya kami!” sabi ko

“Eh ano naman? Kami nga ng papa mo eh, Magkaibigan palang nakatira na sa isang bahay.” Sabi ni mama

“Eh iba naman yun sa ngayon Ma! Kasama nyo din sa bahay yung Parents ni papa nun. Eh kami wala.” Sabi ko uli,

Hindi naman sa ayaw, pero hindi ko pa kasi masyadong kilala si Irvin, Mamaya rapist pala ‘to. Murderer. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH T_T

“Nako.  Ang baby ko nahiya pa, If I know, Pinagpa-“ si mama, pinutol ko yung sinasabi nya

“Late na pala~ Uwi ka na, Irvin. Lika na hatid na kita sa labas.” Sabi ko kay Irvin,

“Teka ma-“ sabi ni mama

“Lika na Irvin, dali~” sabi ko tapos hinila ko na si Irvin palabas.

Hindi ko muna hinatid sa labas si Irvin, pumunta kami sa Likod. May Swing kasi dun, yung may bubong? Pati hindi naman sya masyadong magalaw, Magkatabi kami

“Sorry ah.” Sabi ko kay Irvin,

Nakatingin lang sya sakin

“Bakit ka naman nag sosorry?” sabi ni Irvin,

“Sila mama at papa kasi, Ganyan talaga sila. Akala kasi nila tomboy ako, kaya natutuwa sila sayo.” Sabi ko, totoo yun, akala talaga nila, Tomboy ako.

Ngumiti lang si Irvin,

“Nakakatuwa nga yung mama at papa mo eh. Hindi ako sinalubong ng shotgun. Hahaha” sabi nya Natawa ako

“Ano ka ba? Ang luma naman nung Shotgun eh!” sabi ko

Tapos, kinuha ko yung wallet ko,

“Oh, eto na bayad mo.” Inabot ko sa kanya yung P100

Nag smirk sya. Tapos kinurot yung pisngi ko

“Every end of the month mo nalang yan ibigay, Mahal.” Sabi nya tapos inusod nya pabalik sakin yung kamay ko

“Sigurado ka ha?” sabi ko sa kanya,

Nag nod lang sya tapos ngumiti.

Matagal tagal din kaming nakatambay sa Swing, walang kibuan. Basta nakaupo lang kami dun.

Tapos, nag unat si Irvin,

“Ughh~ Lika na, hatid mo na ako.” Sabi ni Irvin

My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon