Chapter 3

11 2 3
                                    

[Chapter 3: Identity]

~~~

After class dumeretso kami ni Cy sa faculty ni Prof. Panot para kunin ang punishment namin.

Nagtutulakan pa kami kung sino mauunang pumasok.

Syempre ang dakilang talunan palagi sa amin dalawa kundi ako. Kung hinde ka ba naman i-blackmailed.

Inaayos namin ng aming sarili at pagkatapos ay kinatok ko ng marahan para malaman na nasa labas na kami ng kanyang opisina.

"Come in" segundo niya sa loob.

Mga sandaling binanggit niya ang dalawang salitang yun ay bigla nangilabot at nagtaasan ang mga balahibo namin sa katawan.

"Bes ayoko na back out na ako! Huhuhu" Naiiyak na sabi ni Cy saka hinigit ang kanan kong braso.

"Siraulo! Ikaw tong tatawa-tawa ng malakas tapos iiyak ka damay damay na to noh" Gigil kong banggit sa kanya.

Nagbuntong hininga muna ako saka pinihit ang seradula ng pinto at tinulak.

Hindi ito ang una kong pasok sa kanyang opisina. Nagkataon talaga ang pagkalutang ng isip ko kanina.

Pagbukas ay mabubungad agad ang kanyang lamesa. Nakaharap siya nun sa kanyang laptop at may tinitipa sa mga sandaling yun.

Naglakad kaming dalawa ng dahan-dahan sa kanyang harap.

"Take a seat for a while. Tatapusin ko lang tong ginagawa ko" Walang lingon na banggit niya sa amin at tuloy tuloy pa rin sa pagtitipa.

Sinunod namin ang sinabi niya at dahan dahan umupo sa upuan na nakalagay sa harap ng kanyang lamesa. Naka-alay talaga to sa mga estudyanteng may concern or may itatanong.

Habang nagiintay matapos sa ginagawa ni prof panot ay inilibot ng aking mata at iginala sa loob ng kanyang opisina.

Simple lang ang kanyang opisina. Typical na opisina.

Sa kanang bahagi isang malaking aparador na naglalaman ng nga libro tulad ng kasaysayan, literatulad at iba pa. Sa kanan naman ay kanyang mga mahahalagang kagamitan tulad ng furniture, tropeyo at medalya.

Habang naglilibot sa kanyang opisina ay may naramdaman akong hindi kanais'ng enerhiya sa kanyang likod. Mahina lang ito pero malakas ang inilalabas nito.

Dahil sa naramdaman kong iyon ay dagliang hinawakan ni Cy ang kaliwang kamay ko.

"Nico..." Mahinang bulong nito habang may kinakalikot ang kaliwang kamay sa mahiwagang wallet

Sa respondeng iyon ay napansin ni Prof panot ang unnusual behavior ni Cy.

"May problema ba?" Busal nito tsaka tinigil ang ginagawa. Mariing tumingin ang mga mata nito sa amin na akala mo'y may masamang ginagawa.

Humigpit ang pagkakahawak ni Cy na bigyan hudyat sa akin. Inilihis ko ang mukha kay Prof panot at binaling kay Cy tsaka binigyan ng mahinang tungo.

Pumikit muna ako at huminga ng malalim tsaka sinimulan ang pagkanta.

"I remember tears streaming down your face when I said I'll never let you go..." Sa unang stanza ay rumehistro sa mukha ni Prof panot ang pagtataka sa biglaang pagkanta ko.

Kada salita ng aking inaawit ay may mga butil na liwanag lumalabas sa katawan ko. Nagmistulang maliit na light show sa pag-ikot ng mga ito na tila sumasayaw sa pag-awit ko.

"Just close your eyes, the sun is going down... " pagpatuloy ko sa pagkanta at makikita na sa mukha ni Prof panot na nilalaban niya ang antok niya.

Mababakas din sa mga mata niya ang takot dahil sa liwanag ng katawan ko.

"Mr. Fuentillas pwud-" Thug!

"~you and I'll be safe and sound"

"Bravo!, Nico, Bravo! *clap clap" masayang turan ng baliw kong kaibigan matching with standing ovation.

I deep sigh before I revert my eyes on Cy.   My ability is called Maiden's Voice. It can drowse or amplify to anyone or certain person who will listen. I'm the last one who inherit the ability of being the birthling of half human and mermen&siren. Yes you read it. I'm a fish man with a feet. And Cy has known ever since we met.

"Snoring *sfx" -Prof panot.

"Buti na lang nakapag cast ako kundi magagaya ako dito." Halukipkip nito. "Ngayon, ung isa naman trabahuhin natin" baling namin sa lugar kung saan nagmumula ang palakas na palakas ng enerhiya.

Hindi na makakaila na mauulit na naman ang pangyayari nuon simula na malaman namin ang identity ng isa't isa.

That was 1 year ago. Last year to be exact.

Ito ung pangyayari na nahuli niya ako sa  anniversary event ng school na ginanap sa isang kilalang resort beach sa northen luzon.

Flashback

"Sunglasses, check

Lotion, check

Medical kit, check

Summer outfit, check

Charger, check

Underwear, check

Hygiene kit, check... hmmm... may nalimutan pa ba ako? Oh sh*t ung invitation hinde pwede mawala!"

Halos mahalughugin ko na ang buong kwarto ko sa paghahanap ng sa maliit na kapirasong papel. Hinde dapat mawala yun kundi Good bye Universe.

Halos trenta minuto na ang lumipas at  nalalapit na sa call time namin ay nahanap ko na rin sa wakas ang maliit na kapirasong papel.

Eto ang katibayan at attendance na rin namin para sa gaganaping anniversary ng school. Annualy itong ginagawa ng school namin na bukod sa pagdaraos ay gumagawa rin ng medical mission at namimigay ng donation sa lugar na mapipili.

Nang ma-sigurong maayos na ang mga dadalhin ko ay lumarga na ako.

Kung tutuusin pwede naman akong hinde sumama dahil hinde naman mandatory pero for the sake of grades ay kailangan.

Pagkarating ko sa labas ng vicinity ng school ay marami nang estudyante na naka abang. Hale-helerang bus ang makikita na may pangalan at numero palatandaan sa harap.

Kinuha ko ang magsisilbing ticket ko sa bulsa at tinignan kung saan bus ako sasakay.

"No. 9 - Sapphire" bulong ko habang tinatahak na papunta sa magsisilbing kong sasakyanin.

Pag-akyat ko ay kumaway si Cy sa medyo dulong bahagi.

Si Cy lang ang tanging naging kaibigan ko simula sa unang araw ng klase. Masyado siyang madaldal, makulit at palaging may baong jokes na hinde naman nakakatuwa.

Pero masasabi kong isa siya naging mabuti kong kaibigan although meron naman sa kaklase ko pero may something sa kanya na kakaiba kaisa sa iba. Something precious yet clever aura.

Pagkarating ko sa pwesto niya ay inayos ko ang gamit at pumuwesto ng maayos.

"Ready ka na?" Excited nitong tanong

"Hinde pero for the sake of grades, Yes"

"Huwag ka na tampururot dyan. I-enjoy na lang natin tohh. Tsaka uso naman ang relax at Haler! Kakatapos lang ng hell week nakaka-haggard sa face" aniya

Iniyakap niya ako para i-lift up ang mood ko. Ugali na niya ito kung alam niya na wala ako sa wisyo.

Nginitian ko na lang siya at niyakap ng pabalik. Pagkatapos ay inayos ang sarili dahil lalarga na patungong norte.

-to be continue...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloodline: The RacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon