Prologue

67 6 14
                                    

Prologue: The Story Teller

Sa mundong ibabaw ng ating
ginagalawan, may partikular na lugar sa kontinente na kung saan ay ito naging sentro ng lahat ng pangyayari naganap sa nakalipas na nagdaang panahon ay abalang sa paghahanda at sabik para idiwang ang ika-limang anibersaryo kung saan ay sila naging malaya at nagkaisa. Hindi lamang sa lugar na iyon ay pati na rin sa mga karatig kontinente na naging isa sa mga naging saksi ng laban.

Hindi lamang ang anibersaryo ng kalayaan ang tanging ipag-diriwang, may dalawa pang okasyon na magaganap rin mismong sa araw din 'yon.

Ang pag-bukas muli ng Akademiya para sa bawat nilalang ang Creatus Descendre Academy. At hindi mapapahuli para sa mga kababaihan at ng mga lalaking tagilid na masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang lahi.

Naging puspusan ang paghahanda dahil isa to sa napaka-garbong kasiyahan. Nadaig pa ang fiestahan sa napakaraming pagkain na nakahain sa mahabang lamesa sa labas ng kanilang tahanan at sandamak-mak na palamuti na makikita sa bawat kanto't bahay na akala mo'y nagkokompitensya na kung sino ang pinaka magandang palamuti ay may mauuwing premyo.

At dahil sa tulong ng mahika naging napaka-aliwalas at malinis ang kapaligiran ultimo't mga canal ay kasing linaw ng tubig sa karagadan. Kahit ang mga bawat gusali nakatayo ay nirereserba ang iprastraktura nito para makita at mamulat ang mga kabataan sa susunod na henerasyon kung gaano kaganda at galing sa pag-gawa ng kanilang gawa.


Sa kabilang banda, may nilalang na nagliliparang sa bawat lugar at parke na parang mga kulisap kung iyong pagmamasdan sa malayo pero sa malapitan ay isa palang diwata dahil sa liwanag na nanggagaling sa katawan nila kaya napagkakamalan ng insekto sa liit ng kanilang laki. Sila ang mga nilalang na nakatira sa kagubatan at dumayo sila para makilahok na sumayaw para sa okasyon na magaganap.

Hindi lang ang mga diwata ang tanging nandun bagkus mga iba't ibang nilalang na akala natin ay hindi totoo at mga kwentong-bayan lang ito.

Mga bambira, lobo, duwende, sirena, mangkukulam, at iba pang tawag sa kanilang lahi ay sama-samang nagtitipon kasama ang mga tao kung saan magaganap ang pagdaraos ng anibersaryo sa malawak na parke ng lungsod.

Nakakatawang-isipin na mistulang ginawang katatakutan noon ng mga matatanda para sa mga batang sumasaway sa utos ng mga magulang kung hindi nila ito susundin kung ano mang inuutos. Dahil dun nabago ang pananaw ng bawat isa na hindi lahat ng nilalang ay masama kung ang iyong kalooban ay mabusilak at may magandang hangarin.

Gaganapin ang celebrasyon sa malawak na parke na matatagpuan sa gitna ng lungsod at makikita rito ang rebulto na kumakatawan at sumasagisag ng kalayaan, pag-kakaisa at pagkapantay-pantay ng bawat isa. Sa ganap ng ika-anim ng hapon natapos ang pag-bibigay pugay sa mga magigiting mandirigma na nag-buwis ng buhay na nakasama sa digmaan sa pangunguna ng mayor ng lungsod kasama ang high ministry of magic mabigyan basbas at papuri ang mga ito.

Sa pag-sapit ng gabi, hindi natatapos ang celebrasyon kung wala ang mga pang aliw ng gagawin ng bawat lahi. Nandyan may nagsisirko, mga nagbubuga ng apoy, pagtugtog ng napakagandang ritmo ng musika, at nagsasayawan sa gitna ng parke. At meron mga makukulay na nag paparada sa kalasada malapit sa parke kung saan pinagdausan ang pagdiriwang ng anibersaryo at magagarbong stall kung saan may kanya-kanyang paninda ng ang bawat isa para makilala ang bagong produkto nila.

Makikita mo sa bawat isa ang kasiyahan at kaligayahan na hindi man muli matatamasan ng susunod na henerasyon kung ano man naranasan nila noon.

Sa kabilang dako, habang nag-kakasaya ang mga tao at engkanto na naaliw nakikita nila sa parke. May isang bata na hindi baba sa pitong taong gulang na naligaw dahil namangha sa nakita at hindi napansin na nahiwalay siya sa mga kasamahan din niyang mga bata.

Bloodline: The RacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon