Chapter 2: Bisikleta

182 9 0
                                    

Chapter 2: Bisikleta

Tatlong araw na ang lumipas nang magsimula ang madilim na parte ng buhay ni Shine. Hinahanap siya ng lahat. Minsan nga ay nagtataka nalang din siya, dahil pati magtataho ay may say sa kaso niya.

Walang ibinabalita kung napatunayan na nga ba na siya ang suspect. Dala ng sobrang takot ay hindi niya pa rin kayang humarap sa media. Hindi niya matawagan ang abogado nila. Hindi siya makapag-isip ng tama sa kung ano ba ang dapat niyang gawin.

Sinikap ni Shine na puntahan ang kanyang Ama sa Ospital. Palihim niya itong dinalaw at kinamusta.

"Dad!"

Tumakbo siya kay Roger at niyakap ito ng mahigpit.

"Jusko anak ko, hinihintay kita. Saan ka nagpunta? Bakit ganyan ang ayos mo? Anong nangyari sa CEO?"

Umiiyak ang dalaga.

"Hindi mo alam Dad? Hindi nila sinabi sayo?"

"Wala silang binabanggit sa akin. Masama daw kasi sa kalusugan ko ang stress. Bakit anak? Ano bang nangyari? Ayos ka lang ba?"

Pinili nalang ni Shine na wag ng sabihin sa Ama ang totoong nangyayari para hindi na ito mag-alala at lumala pa ang kalagayan.

"Wala Dad. Ayos lang ako. Wag ka na masyadong mag-isip. Magpagaling ka. Dadalaw dalawin nalang kita Dad ha? Alam mo naman, marami tayong kailangang asikasuhin sa kompanya."

Walang kaide-ideya si Roger na ang anak niya ay itinuturing na kriminal ng bansa.

"Anak..." Bakas sa tono ni Roger ang pag-aalala.

"Dad, mauna na po ako ha? Pasensya na hindi ako makakapagtagal. I love you Dad, magpagaling ka po ha? Magiging maayos din po ang lahat. Magpapakatatag ako Dad." Hinalikan niya ang Ama sa noo.

Nilisan na ni Shine ang Ospital. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa Parking Lot, pero nadatnan niya doon na pinalilibutan na ng pulis ang kotse niya.

Napaatras si Shine. Natataranta kung paano siya makakalayo sa lugar. Sa kanyang patuloy na pag-atras, may natamaan siyang basurahan, natumba ito at natawag ang pansin ng mga Pulis. Nag-umpisa nanamang tumakbo si Shine.

Unti-unti nang nakakaramdam ng pagod ang dalaga sa kakatakbo. Kanina pa rin siya pinapatigil ng mga pulis.

"Hindi. Hindi ako pwedeng mahuli. Hindi ako pwedeng sumuko. Paano nalang si Daddy?!"

"TARA!"

May binatang humatak ng kamay ni Shine. Itinakbo niya ang dalaga palayo sa mga pulis.

Nahiwagaan si Shine sa nangyayari. Ang lambot ng kamay ng binatang nakahawak sa kanya ngayon. Tila ba eksena sa pelikula ang pagtakbong ginagawa nila. Ang kaibahan nga lang, ay nakakakilig ang nasa telebisyon samantalang sila ay hinahabol ng mga pulis ngayon.

"Alam mo ba kung saan mo ako dadalhin?"

"Hindi." Mabilis na sagot ng binata.

Takbo lang sila ng takbo hanggang sa medyo napalayo na sila sa mga pulis. Ngunit nakarating sila sa isang bukid,  patag ang bukid at may ilog sa tabi nito.

'Infairness naman, nakarating na kami ng probinsya sa kakatakbo.' Pagbibiro ng dalaga para mabawasan ang kaba.

"Tara doon tayo magtago!"

Nilibot ni Shine ang paningin sa kabuuan ng lugar. Nagtataka sa kung ano ang tinutukoy ng binata. Walang bahay. Walang poste. Walang kahit na ano maliban sa patag at—-

Tumalon ang binata sa ilog kasama si Shine. Lumubog sila sa tubig. Lumangoy pailalim.

'Baliw na ba to?!' Sigaw ni Shine sa kanyang isip.

Wanted: TrueloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon