Chapter 4: Ulan
Mag aalas-singko na ng umaga nang muling magising si Shine. Wala na si Kai na nasa tapat ng bago nitong bahay.
'Nasaan na kaya siya?' Tanong ng dalaga sa kanyang isipan.
Hihiga na sana siya sa kanyang kama nang bigla nalang may bumato sa kanyang Veranda. Sinilip niya ito. Nakita niya si Kai na nakatingin sa kanya mula sa baba.
"Halika." Tawag nito.
Bumaba si Shine ng may pagtataka.
"Paano mo nalamang dito ako nakatira?" Bungad niya nang magkaharap sila.
Itinuro ni Kai ang veranda ng katapat na bahay.
"Kanina pa kita pinagmamasdan mula doon."
"Bakit mo naman ako pinagmamasdan? Minamanyak mo ba ako sa isip mo?"
"Bakit? Tingin mo ikaw yung tipong napapagpantasyahan?" Seryosong tugon ni Kai.
Naasar ng bahagya ang dalaga. Akmang papasok na ito ulit sa loob. Pero hinatak siya ni Kai. Inilapit ito sa kanya. Sobrang lapit na halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. Pareho nilang naramdaman ang kuryenteng dumaloy sa mga balat nilang nagtama.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Shine.
Inilapit ni Kai ang mukha niya sa leeg ni Shine. Inamoy niya ito.
"Naligo ka na ba?"
Napalayo ang dalaga. Nanlaki ang mga mata at hindi napigilang sigawan ang binata.
"Ano bang sinasabi mo jan?!"
"Maligo tayo."
Matapos sabihin iyon ng binata ay bumuhos ang malakas na ulan.
"Sa Ulan..."
Kagabi pa masama ang lagay ng panahon. Makulimlim at anumang oras ay maaaring umulan.
Pirmi ang tingin. Nakatitig lang si Shine ng diretso sa mga mata ni Kai. Tila ba nakikipag-usap ito. Hindi niya rin maigalaw ang kanyang mga paa upang pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Ayaw niyang magkasakit. Pero hindi maitatangging gusto niyang makasama ang binata sa pagligo sa ulan. Nais niya itong paunlakan sa pag-anyaya nito.
Mahigit tatlong minuto rin silang nakatayo doon. Tahimik at walang sinuman ang gumagalaw.
'Hindi. Hindi ako sasama sayo. Ayoko.'
Naisipan ni Shine na pumasok na.
"Sabi ko sayo... Maligo tayo dito..." ngunit pinigilan siya agad ni Kai.
Hinawakan niyang muli ang kamay ni Shine at hinatak ito. Patakbo. Palayo sa mga kabahayan. Papunta sa maliit na burol na katabi ng kanilang subdivision.
Alam ni Shine na maaari siyang magkasakit at hindi makapasok kinabukasan sa trabaho nang dahil dito, pero ganun nalang kahigpit ang hawak ni Kai sa kamay ng dalaga. Hindi niya kayang kumawala.
Nagtampisaw sila sa tubig ulan. Walang tao sa paligid. Solo nila ang buong lugar.
Isang kaganapan sa buhay ni Shine na hindi niya inaasahang mangyayari, kasama ang lalaki sa kanyang panaginip. Hindi niya lubos akalaing, pagkatapos ng unos ng kanyang buhay, dulot ng pagiging Wanted sa batas, ay darating ang ganitong pagkakataon na magiging maligaya siya sa ilalim ng ulan...
Habang nasa kalagitnaan ng pagsasaya, naramdaman ng dalaga, ang tibok ng kanyang puso. Ang tibok nito para sa binatang kasama niya ngayon...
"Masaya ka ba?" tanong ni Kai.