Chapter 1: Gunshot
"My Sun, aking reyna... Mahal na mahal kita. At handa akong ialay sayo ang buhay ko."Sambit ng binata sa babaeng hawak niya sa kanyang bisig.
Nagkatitigan sila. Unti-unting naglalapit ang kanilang mga labi...
Hindi mapigilan ng dalaga ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Matagal niya nang hinihintay ang pagkakataon na ito. Ang maramdaman ang tamis ng halik ng nag-iisang lalaking kanyang iniibig.
'Eto na to! Eto na talaga to! Thank you Lord! Ayan na...' Sigaw ng dalaga sa kanyang isip, nang paulit-ulit.
Pumikit siya upang damahin ang eksenang iyon. Handa na anumang oras para sa pagdampi ng labi ng binata sa labi niya.
***
"Miss Shine? Pinapagising ka na po ng Daddy niyo." Tawag ng katiwala nilang lalaki.
Nang dahil dito, inis na dumilat si Shine. Hindi siya makapaniwalang naglaho nang parang bula ang eksenang matagal na niyang inaasam na matuloy. Masama ang loob niya dahil nabitin nanaman siya sa kanyang panaginip.
"Kainis naman po Mang Nonoy! Nandun na po eh!" Nakabusangot na sigaw ni Shine.
Nilarawan niya pa gamit ang kanyang mga kamay kung gaano nalang ang distansya ng mga mukha nila ng lalaki sa kanyang panaginip bago maglapit ang kanilang mga labi.
"Pero mas nakakainis si Daddy dahil sa pagpapagising sakin. Sa panaginip na nga lang nagkaka-love life ang anak niya, sinisira niya pa. Hmp." Pagmamaktol pa nito.
Pumasok na siya sa banyo. Umupo sa trono't nag-isip.
"Bakit kaya ganun yung panaginip ko? Malinaw ang mukha ko at ang mukha nung lalaking yun. Hindi kaya nagkita na kami? Nagpapantasya ba ako?"
Iisang lalaki lang ang palaging dumadalaw sa panaginip niya. Mahigit isang linggo na ring paulit-ulit ang nangyayari dito. Ngunit, hindi siya nagsasawa, sa halip ay hanggang sa paggising niya, ito ang kanyang naiisip.
Palaisipan pa rin kay Shine kung ano ang ibig sabihin non.
"Ms. Shine sino pong kausap niyo dyan?" Kumatok si Mang Nonoy.
"Yung tabo. Kinakausap ko po yung tabo."
"Pero Miss, wala naman po kayong tabo sa banyo. Naka-shower at bath tub po kayo."
"Eksakto Manong. Wala naman po talaga akong kausap. Ahm, pwede po bang sa labas nalang po kayo maghintay? Nahihiya po kasi ang jebs ko. Hindi po ako makapag-focus."
"Okay po Miss." Alangang sagot ng katiwala.
Narinig ang pagsara ng pinto sa labas.
Mahigit kalahating oras na. Hindi pa rin siya kumikilos. Iniisip pa rin ang panaginip niya.
Dahil sa tagal niya sa loob, hindi na napigilan ng Daddy niya na puntahan at tawagin siya.
"Sunshine Geronimo! Ano bang ginagawa mo r'yan at napakatagal mo ha? Male-late na tayo sa meeting!"
"Dad. Nagme-meditate pa po ako. Pasensya na."
"Hindi ka na bata Shine. Dalian mo jan. Tigilan mo na yang mga kalokohan mo."
'Eh sa hindi pa po ako tapos Dad! Ikaw nalang po dito. Substitute Dad!'
***
Lumabas na si Shine mula sa banyo pagkatapos niyang maligo. Nagsuot ng kanyang Corporate Attire.
Ang isa sa pinakabatang successful Business Tycoon ng bansa, Sunshine Geronimo Dalawangpu't limang taong gulang.
Hindi pa man siya nakakaupo sa hapag kainan ay kumuha na kaagad siya ng tinapay at uminom ng gatas.