Chapter 3: Santan

131 8 1
                                    

Chapter 3: Santan

"Daddy!" Salubong ni Shine sa kanyang Ama na nag-aabang sa kanyang pag-uwi.

"Anak ko! Pasensya na hindi kita natulungan. Wala akong silbi, anak, patawad." Iyak ni Roger.

"Dad naman eh! Wag ka na pong umiyak jan! Masama po sa inyo yan eh kalalabas niyo pa lang ng ospital."

"Ayos na ulit ang lahat anak." At mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap dito.

Nang mapansin ni Roger na may kasamang binata si Shine, inanyayahan niya itong pumasok sa loob.

"Ikaw pala si Kai Moon, yong pulis na lumutas sa kaso. Salamat. Kung hindi dahil sayo, mas tumagal pa ang paghihirap ng anak ko."

Ngumiti si Kai. Tinanggap ang pasasalamat ni Roger.

Kumain sila ng almusal at nag-kwentuhan ng mahigit isang oras pa.

"Mauna na po ako. Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho. Hinatid ko lang po talaga ang anak niyo para masigurong ligtas siyang makakauwi."

Napangiti si Roger. Nakipagkamay siya kay Kai at muli itong pinasalamatan.

"Kapag nagkaron ka ng oras, bumalik ka dito at magkwentuhan tayo ulit. O sige na. Maiwan ko na kayo r'yan at ako ay magpapahinga na muna sa loob. Ingat ka Kai."

"Opo. Magpagaling po kayo ng husto." Nakangiting sabi ng binata.

Habang naglalakad sila palabas ng subdivision, naisipan muli ni Shine na magtanong.

"Hindi ka ba tumitira kasama ang Dad mo noon?"

"Hindi. Pinalayas niya ako, masyado daw mababa ang pangarap ko. Mas umiral kasi sa akin ang dugong Pilipino kaya ninais kong maging pulis. Kaya itinakwil niya ako."

Bakas sa tono ni Kai ang kalungkutan. Mukhang hindi rin naging ganon kadali ang kanyang mga pinagdaanan.

"Bumalik ka na don."

Bumalik sa sarili si Shine nang biglang magsalita si Kai.

"Sige."

Kinuha ng binata ang mga Grocery bag ni Shine sa basket ng kanyang bisikleta, ibinigay ito sa dalaga.

"Salamat. Salamat sa lahat."

Tumango lamang si Kai.

Tatalikod na sana ang dalaga...

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Kai.

"Sunshine Geronimo." Sagot ng dalaga nang hindi lumilingon.

"Tawagan mo ako kapag may napansin kang kakaiba sa paligid. Ililigtas kita ulit... Hanggang sa muli, Sun..."

Bumilis pasumandali ang tibok ng puso ni Shine nang dahil sa sinabi ni Kai. Tinignan niya ito pero nakatalikod na ang binata.

"Hanggang sa muli, Moon..."

***

Kinabukasan, napagdesisyunan ni Shine na bisitahin ang kanilang kompanya, kailangan ay maaga niyang umpisahan ang pag-ayos sa mga naging problema.

Malaki ang naging epekto ng nangyari sa kanilang negosyo. Bumaba ang demand sa kanilang mga produkto. Malaki ang naging pagbagsak ng sales. Nag-back out na rin ang iba pa nilang Client. Ang lahat ng yan ay ayon sa report ng kanilang mga empleyado.

Kinuha ni Shine ang lahat ng papeles mula sa kanyang sekretarya. Pag-aaralan niya ang lahat ng yon sa lalong madaling panahon, upang masolusyunan.

Pagpasok ni Shine sa kanyang opisina, hindi niya inasahan na naghihintay pala doon si Erine Dee.

Wanted: TrueloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon