Kabanata 6: Ang Hiwaga sa Moon Crater

75 1 0
                                    

Ang crater ng buwan ay ang bahaging pinakamakikita mula sa earth.

Sailor Jupiter:

Tanaw na tanaw pala dito ang earth noh? Nakakamiss din pala ang planetang iyon..

Sailor Venus:

Bakit? Gusto mo bang bumalik ng earth? Sa bagay maraming cute guys dun.. haaayyyyyy..

Sailor Uranus:

Alam niyo namang natapos na ang kasaysayan natin sa earth. Dito ang tadhana natin, sa kalawakan. Dahil bilang Sailor warriors, obligasyon nating protektahan ang galaxy na ating kinabibilangan. Kailangan nating tiyaking ligtas ang Emeral--

Sailor Jupiter:

Hoa! May nakita akong kakaibang anino sa likod ng malaking batong iyon!

Nagmamadaling nilapitan ng mga sailor warriors ang nakitang anino ni Sailor Jupiter.

Ang anino ay mula sa isang space capsule na kasing laki ng isang bola. Ito ay may security lock na may 5 digit button. Pinag aralan nila ang capsule at may napansin silang kakaiba, may bahid itong dugo at bakas ng kamay!

Sailor Venus:

Sariwa pa ang mantsa ng dugong ito.. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayaring ito!

Patuloy nilang hinalughog ang bawat kuweba, bato at hukay sa Crater.

Humahangos na tumakbo palapit si Sailor Uranus.

Sailor Uranus:

HUH-- May nakita akong kakaiba sa badang doon. Sumama kayo! Ipapakita ko sa inyo!

Nagmamadaling tumakbo ang tatlo at nagulat sila sa kanilang nakita. Isang dambuhalang biyak sa lupa! Isang tila madilim na lagusan ang nagbukas at nagaanyaya!

Itutuloy..

Sailor Earth (Ang Unang Sigaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon