Kabanata 2: Paparating na Panganib

108 3 0
                                    

Nabigla ang lahat sa sinabing ito ni Sailormoon.

Isang malakas na pag-uga ang naramdaman sa Centris.

Tumakbo palabas ang lahat maliban kay Sailormoon na nakatanaw ng malayo sa Earth.

Tuxedo Mask:

Serenea, mahal ko. Masyadong malakas ang pagyanig, tayo na!

Sailormoon:

Napapagod na ako. Hindi na kaya ng kapangyarihan ng buwan ang bagong puwersa. Hind--

Bumagsak at nawalan ng malay si Sailormoon. Agad naman siyang binuhat palabas ni Tuxedo Mask.

Makalipas ang ilang sandali, tumigil ang pagyanig.

Sailor Mercury:

Kung magagamit ko lang sana ulit ang kapangyarihan ko, puwede kong alamin kung saan nanggagaling ang lahat ng ito.

Lumabas mula sa silid ng reyna si Sailor Uranus at Neptune.

Sailor Neptune:

Mahimbing nang natutulog si Sailormoon at Chibiusa. Inaalam naman ngayon ni Tuxedo Mask kung nasa mabuting lagay ang Chalistra. Bumalik siya sa Centris.

Sailor Jupiter:

Kung may magagawa lang sana tayo. Kung may kapangyarihan pa sana tayo, kagaya ng dati. Per--

Sailor Uranus:

Mayroon pang natitirang paraan. Sa katunayan, paparating na siya.

Bumukas ang pinto ng palasyo..

Ikinagulat at ikinatuwa ng lahat!

Si Sailor Pluto!!

Sailor Earth (Ang Unang Sigaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon