Kabanata 16: Ang Cosmic Air Mantle

74 2 0
                                    

Sailormoon:

Ako bilang tagapagtanggol ng pagibig at katarungan.. Sinasamo ko ang puwersang bumabalot sa buwan na ibigay sa aking ang kapangyarihan!

Umihip ang napakalakas na hangin. Sa lakas ng puwersa, ang lahat ay nabuwal sa lupa. Tanging si Sailormoon na lamang ang matibay na nakatayo..

Tuxedo Mask:

Serenea! Mapapahamak ka sa gagawin mo.. Ang moon earth at ikaw ay iisa! Itigil mo na ito!

Sailormoon:

Kung ito na lamang ang tanging paraan..

Binalot ng matinding liwanag ang palasyo! Nagliwanag rin ang madilim na kalawakan!

Sailormoon:

Humanda kayong lahat! Tumayo kayo at tanggapin ito.. Sailor Warriors!

Ang lahat ay pilit na tumayo. Maging si Tuxedo Mask ay nakiisa na rin.

Sailormoon:

Cosmic Air Mantle..

Interfusiooooon!

Bawat isa sa kanila ay binalot ng isang napakalakas na puwersa. Binalot sila ng liwanag. Maging ang buong palasyo ay tila nagtaglay ng kakaibang liwanag!

Sailormoon:

Tanggapin ninyo ang proteksyon na dala ng cosmic air mantle.. Ingatan nawa tayo ng  pinakamakapangyarihang may likha laban sa anumang kasamaang darating.

Inilipat ni Sailormoon ang kapangyarihan ng cosmic air mantle sa lahat ng Sailor warriors maging si Tuxedo mask. Ang cosmic air mantle na minsang nagbigay buhay sa moon crater at Emerald city.. Ngayon ay ipinagkaloob ni Sailormoon sa bawat isa sa kanila.

Nagpasya si Sailormoon na ang kaligtasan ng nakararami ay higit na mahalaga sa kaligtasan ng buwan..

At lalong higit na mas mahalaga sa kaligtasan niya..

Ang pagkawasak ng moon earth ay nangangahulugan ng pagkawasak na rin ni Sailormoon..

Isang sakripisyo ng mabuting kaibigan..

Itutuloy..

Sailor Earth (Ang Unang Sigaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon