Kabanata 7: Ang Huling Siyam na Orbit

62 0 0
                                    

Samantala, nililibot ni Sailor Mars at Neptune ang emerald city. Tanging ang Royal Moon Family at mga Sailor warriors lamang ang naririto. At bagamat wala namang iba pang naninirahan sa naturang siyudad. Minabuti pa ring malaman kung may kakaiba sa dito.

Sailor Mars:

Wala naman akong nakitang anuman sa bandang iyon..

Sailor Neptune:

Ako rin, wala rin naman akong napansing kahina hinala.. Mga malalaking kristal na bato, at mga salaming pader, gaya pa rin ng dati.. walang pinagbago.

Sailor Mars:

Tara sa banda roon!

Tinungo ng dalawang sailor warriors ang lagusan palabas ng Emerald city.

Ang Emerald city at ang Moon crater ang natatanging bahagi ng buwan na nababalot ng Cosmic Air Mantle. Ito ang force na inihandog ni Galaxia bilang tanda ng pagkakaibigan ng galaxy at ng mga buwan sa universe.

Sailor Neptune:

Hanggang dito na lamang tayo Sailor Mars. Ito na ang hangganan ng cosmic air mantle.. Pag lumagpas tayo sa lagusang iyan.. mauubusan tayo ng oxygen at it--

Sailor Mars:

At ito ay mapanganib! Hindi tayo makakahinga dahil nakadepende pa rin tayo sa oxygen ng cosmic air mantle.. Dahil mga tao pa rin tayo.

Sailor Neptune:

Mabuti naman at hindi mo nakakalimutan.

Humakbang pa lalo si Sailor Mars palapit sa lagusan palabas!

Pinigilan siya ni Sailor Neptune! Hinawakan niya sa kamay si Sailor Mars ng mahigpit!

Sailor Neptune:

Anong binabalak mong gawin Mars?! Bumalik na tayo sa Centris.. Siyam na orbit na lamang ang nakikita ko sa kalawakan. Mawawala na ang kapangyarihan ng dead scream.

Hindi umiimik si Sailor Mars at tila nakatingin lamang ito ng malalim sa labas ng lagusan. Patuloy siyang lumalakad palapit sa lagusang palabas ng Emerald city. Buong lakas naman siyang pinipigilan ni Sailor Neptune.

Itutuloy..

Sailor Earth (Ang Unang Sigaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon