THREE

32 0 0
                                    

At nakalupagi na nga ako sa sahig at kumikirot yung pwet ko. Ang lakas kaya ng impact!

"Tangna. Ano ba? Ang sakit nun ah?" Napamura pa ako nang di oras.

"Haha. This my first time hearing a cuss from a pretty girl."

"Ano bang sinasabi mong timang ka? Tulungan mo kaya akong tumayo?"

"Ay sorry. Lika." Tinulungan niya akong tumayo.

"OMG GIRLS! Like who is that bitch? Why is she flirting with our Rein?"

"Flirt agad?" sabi ko.

"Then. What do you think I should call you? Huh? Flirt!"

"Aba bastos ka ha? Hindi kita inaano! Hoy timang, ikaw na nga ang magpaliwanag sa mga yan. Tutal ikaw naman ang may kasalanan eh. Bwiset! Mga panira ng araw."

Parang may narinig akong sinabi pa nila. Kaso hindi ko naintidihan. At waka akong pake. Hindi ko na nilingon yung mga day spoiler.

Pumasok na ako sa room. Tumabi ako sa isang babae na Santos ang apelyido. Tipikal na seating arrangement. Nga pala, Angie pangalan nung seatmate ko. Well, seatmates kami mula pa first year.

"Hi Allie!" bati niya. Hindi na lang ako sumagot. Batrip nga ako. Batrip diba?

"Sunget naman." aba at nag-pout pa ang loka.

"Huwag kang ngumuso. Di bagay. Eh kasi nakakabanas yung mga tao sa labas eh. Panira ng araw."

"Nakakainis ka. Ang taray taray mo na."

"Eh kasi nga--" Hindi ko na natapos. Dumating na teacher namin. Edi ano pa bang gagawin ko? Edi uupo na.

Nagsimula ng magsalita yung Physics teacher namin tungkol sa Force. Bla. Bla. Bla. Bla. Nakatunganga lang ako. Kunwari nagkikinig. Ganito ako. Pag bad trip. Nakakabanas naman kasi. Tawagin ba naman akong malandi. EH AKO NA NGA YUNG NAAGRABYADO EH!

"Miss Rodriguez?"

"Po?"

"Uh. I was asking if you could transform this formula (pertaining to the formula of force), if the mass of the object is unknown given with the force and acceleration."

"Uh! Okay ma'am!"

So pumunta na ako sa unahan. Humiram ng white board marker dun sa kaklase ko sa unahan at nagsimula ng magtransform ng formula. Hayy. Buti na lang madali 'to kasi kung hindi. Lagot ako nito. So, divide both sides by a, cancel, cancel. m = F/a.

"Good Allie. But try to focus next time. Okay?"

"Yes ma'am. Sorry." Tumango tango ako na parang kinder student.

Bumalik na ako sa upuan ko syempre. Yung katabi ko naman sa kaliwa, kinakalikut yung computer niya. Nag-sosolitare. Bored na 'to pustahan. Ay nga pala, 1:1 ang ratio ng computers dito sa classroom namin. Diba sabi ko sa inyo, special talaga ang SHS dahil yun sa mga sumusunod na bagay:

1. Yun nga, tigi-tigisang computer.

2. May ibang subjects na tinetake na hindi tinetake ng Reg. students.

3. Wala na ata?

So, yun nga nagsososlitare si Angie. Nakinig na lang ako at baka matawag na naman ako ni ma'am.

*knock knock knock* Elsa? Do you wanna build a snowman?~ //kurneee poreber!// Wag kang epal author. Wag rin kayong epal. May kumatok. Napakanta lang ako. Hahahaha. May pumasok na gwap-- TEKA! YAN YUNG WALANGHIYANG NAGBUKAS NG PINTO AT NAGING DAHILAN KUNG BAKIT AKO NATAWAG TAWAG NA 'FLIRT' NUNG MGA BABAENG MAHAHABA ANG HITA KANINA AH!

"Ma'am. Excuse me po." At nag-tilian na ang mga kaklase kong babae. Pati 'tong si Angie kung makahampas sa'kin. Yung mga lalaki naman pa-sweet lang. Napa 'woah' lang sila. Sus.

"Class, class quiet!" saway ni ma'am. Tumahimik naman sila. Lumabas saglit si ma'am at pumasok kasama yung timang na yun.

"Uh. Class. May transferee nga pala tayo. At dito ang section niya. Hijo, introduce yourself."

"Rein Andrew Perez po. 16 years old. Sana maging close tayo." Aba. Pa-cool pa siya. Psh. Porket alam niya na kilala na siya at hindi na niya kailangan pa ng mahabang introduction. Psh. At nag-bow pa siya. Psh.

"Uy. Allie. Lasa ko'y pinapatay mo na sa utak mo yang si Rein ah! Ang sama ng tingin mo eh." - Angie

"Psh. Pano mo alam?"

"So tama ako?"

"Baka Angie, baka."

"Psh. Sunget." At ngumuso na naman ang loka.

"Ms. Rodriguez?" - ma'am

"Po?" Ano na naman ma'am? Psh

"Is that seat vacant? The one on your right."

"Yes ma'am."

"Mr. Perez, you can sit beside Ms. Rodriguez."

PACKING TAPE. PACKER.

---

(AUTHOR: Lakas maka-cliche ng story na to ano? Sensya na. Baguhan pa ako eh. Sa mga nagbabasa, salamat ah!)

-heyprincess

He's A Notorious WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon