TWO

29 1 0
                                    

"Ano po? Ulan?"

"Ha. ha. Ang korni mo po. By the way, Ako si Lianna."

"Oh. Hi Lianna. I'm Allison. Allie na lang."

"Hihi. Hi Allie!" Ang cute cute ni Lianna. Ang liit niya kasi. Pero okay lang. Tapos ang taba ng pisngi!

"Uh. Lianna--"

"Li na lang"

"Ahh. Haha. Li, sino nga ulit yung nagtransfer dito?"

"Seryoso, hindi mo kilala si Rein? As in R-E-I-N?" Ah Rein pala. Kala ko Rain.

"Ah. Akala ko kasi Rain as in ulan. Pero hindi ko siya kilala eh."

"OMG ka. Hindi mo kilala si Rein. Halika, ikukwento ko siya sa'yo." So, tinangay na ako ni Li sa cafeteria. Nung una, hindi ako pumayag kasi sabi ko, huwag kaming mag-cut. Kaso sabi niya, huwag daw akong timang dahil wala namang klase kasi may meeting yung mga teachers.

Umupo kami sa kasuluk-sulukan ng caf. Dahil ayaw niya daw na may makarinig.

"Ganito kasi yan. Si Rein as in Rein Andrew Perez, na sobrang gwapo at sobrang yummy at sobrang popular at--"

"Oo na. Tama na description. Siya yung mala-heartthrob diba?"

"Oo. Tapos, balita ko, na kick-out siya sa previous school niya."

"Ha? Ano ba yan. Mababahiran tuloy ang school natin ng masamang description. Tumanggap ba naman ng na kick-out."

"Eh. Ganun na nga. Mayaman kasi ang pamilya niyang si Rein. At nagkataon naman na ngayong school year, mababa ang enrollment dito sa school, kaya no choice sila kundi tanggapin si Rein."

"Bakit ba kasi siya nasipa sa school niya dati?"

"Nahuli kasi siyang nakikipag-halikan sa loob ng stock room sa school nila. And take note, teacher niya yung kahalikan niya."

"Bobo pala yang Rein na yan eh."

"Gwapo naman."

"Pero seryoso ka ba talaga na hindi mo kilala si Rein?" dugtong niya.

"Hindi talaga eh."

"Wala ka bang Facebook? O kaya bingi ka ba at hindi mo man lang naririnig ang pangalan niya?" 

"May Facebook naman ako. Kaso wala pang 1k ang friends ko at hindi naman ako mahilig mag-open. Pero parang narinig ko na ang pangalan niya dati. Hindi ko sure."

Siguro 2 weeks ago nung nagyari 'to. Bakasyon pa namin.

FLASHBACK

Dumaan ako sa park dahil pinabibili ako ni kuya ng kung ano sa mini grocery store sa may amin. Nang may nakita akong babaeng umiiyak. Pumapalakat pala. Ang lakas eh.

"RAIN! BAKIT KA BA UMALIS? BAKIT MO AKO INIWAN?"

Oh. Ano namang gusto niya sa ulan at ngumangawa siya diyan. Aanhin ba niya ulan? Lumapit ako.

"Miss. Ano bang problema?"

"Rain. Iniwan. Ako."

"Ha? Ulan? Magsasaka ka ba na parang natuyuan ng pananim at iniiyakan mo yung pag-alis ng ulan?"

"Hahahahaha. Ang korni mo ate."

"Ano?"

"Wala. Ate. Sige alis na ako. Salamat ah. Gumaan loob ko."

Lakas naman maka ate nun. Tingin ko naman magka-edad lang kami.

END OF FLASHBACK

"SO KILALA MO NGA SIYA!" - Li

"Ay Li, ang lakas ah. Promise. Hindi ko kasi talaga alam na si Rein na yun pala ang tinutukoy niya."

"Haha. Parang ang weird. Parang close agad tayo. Kakakilala lang natin kanina ah."

"Eh ikaw kasi. Ang daldal mo. Dami mo agad nasabi. Tinanong ko lang naman kung bakit may mala concert o mall show dun sa may quadrangle kanina."

"ALL STUDENTS. PROCEED TO YOUR RESPECTIVE CLASS ROOMS. THE FACULTY MEETING WAS DISMISSED. GOOD DAY!" - sabi nung nakabiting speaker sa caf.

"Oh. Balik klase na pala tayo. Lika ka na Li."

"Anong section mo?"

"IV-1"

"Ay nakakahiya naman. SHS

//Author: Science High School po yun. Basta parang isang special na curriculum yun.//

SHS ka pala. Regular lang ako."

"Nako nako, Li huwag mo ngang i-down ang mga Reg. Ikaw talaga. Lahat tayo may angking talino at galing. Nagkataon lang na nachambahan naming mapasahan yung qualifying exam para sa SHS."

"Hayy. Ang sweet mo naman. Sabi kasi nila mayayabang daw kayong nga taga SHS."

"Hay nako. Neknek nila. Hahaha. Ay! Eto na pala ang room namin. Sige, Li! Kita na lang tayo mamayang dismissal."

"Sige. Kitakits, Allie."

Bubuksan ko na sana ang pinto ng room namin, nang may nagbukas nito sa loob. Edi ano pa nga ba? Nabagok ang ulo ko. At dito na natatapos ang kwentong ito. May I rest in peace. Pero joke lang yun.Nukaba.

Eto talaga. Nauntog ako. Natumba ako. Napa-upo sa sahig.

He's A Notorious WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon