FOUR

25 0 0
                                    

"Class, get your lab manual. Open it on page 38. Bring the following hsdalkjfuejdlahdihfisi dhsk.--"

"Allie, peram ballpen." Sabi nung asungot kong katabi. Psh. Ballpen. Pano niya ako kilala. Psh. Whatever. Inabot ko sa kanya yung extra ballpen ko.

"Pahiram correction pen." 

Kuha. Abot. Balik.

"Pahiram correction pen." 

Kuha. Abot. Balik.

"Pahiram correction pen." 

Kuha. Abot. Balik.

"Pahiram correction pen." 

Kuha. Abot. Balik.

"Pahiram correction pen." 

Kuha. Abot. Balik.

"Pahiram corre--" Okay Allie. Inhale. Exhale. Binigay ko sa kanya. 

"Sala--" 

"Huwag mo na ibalik. Sa'yo na."

Nagdi-discuss si ma'am tungkol sa procedures nung gagawin naming experiment bukas. 

"Pahiram lapis." sabi nung timang sa kanan.

I faked a smile.

"Oh. Sa'yo na tong pencil case ko. Bwiset!" Inabot ko sa kanya yung pencil case. Pero mahina lang yung sinabi ko. Medyo pabulong na sigaw. Pabulong na sigaw? Psh. Whatever.

Natapos ang klase sa pisika at hindi na ako ginagambala nung timang sa kanan. Syempre nasa kanya na kaya yung pencil case ko.

Lumabas na si ma'am, malamang. Pumasok na yung sunod na teacher. Math naman. Yeees! Pampasaya ng araw. Favorite ko kasi ang Math eh. Ewan ko ba kung bakit ayaw nung iba ng Math eh. Ang cool cool kaya. Yeah. You can call me nerd right now. Yes you may.

So nag-discuss na si ma'am about sa parabola. Nakinig lang ako. Kasi nga, fave ko ang math.

Nagbigay na siya ng seatwork. Sa graphing paper gagawin. Lumingon ako sa kaliwa ko.

"Angie, penge graphing." sabi ko. Inabutan niya ako.

"Allie, penge graphing paper." sabi nung timang sa kanan.

"Hindi mo ba nakita na humingi lang din ako? Bakit sa'kin ka hihihingi. Kung hindi ka naman kasi shunga eh."

"Uy. Allie. Chill lang." sabi ni Angie

"Uh. Rein graphing oh." dugtong niya.

Ugh. Hindi ko na kaya. Lumabas na ako. Nagpaalam patungong washroom. Punong puno na talaga ako sa lalaking yun. Oo, gwapo siya. Inaamin ko naman eh. Kaya nga naging playboy diba? Pagpasok ko ng washroom.

"Oh. Look who's here." sabi nung isang babaeng mahaba ang hita.

"Oh. Look who's there." sagot ko naman with matching pagturo pa sa kanya. Ano bang problema nito?

"Ikaw yung babae na nakikipag-flirt with our Rein diba?" Uh. Sila pala yung mga mukhang higad na tumawag sa'kin ng flirt.

"Sabing hindi ko nilalandi yun eh. Jusko ate, iyong iyo na. Isaksak mo sa sikmura mo."

"What di you just say?"

Naiihi nga pala ako kaya ako pumunta dito.

"Uh. Eh saglit lang. Iihi lang ako. Puputok na pantog ko eh. Time pers."

"That is so ga-ross. I'm getting out of here. Eww."

Ga-ross niya mukha niya. Excuse me, gross is just one syllable.

Naghugas na ako ng kamay. Tumingin sa salaman. Huminga nang malalim. Tumungo na sa room.

Tinapos ko na yung seatwork at binigay ko na kay ma'am. Lumabas na siya. Nag-paalam kami at break time na ngayon.

"Angie, pabili na lang ako ng tubig."

"Hay nako. Ang tamad tamad! Joke lang! Hahaha." kinuha niya yung samping piso na inaabot ko. At lumayas na.

Nagsibabaaan lahat ng mga kaklase ko. Pinatong ko na lang yung noo ko sa braso ko. Yung parang natutulog yung istura. Kinalabit ako nung katabi ko.

"Allie. Hindi ka ba bababa?"

"Obvious ba?" matipid kong sagot

"Bakit ba galit na galit ka sa'kin? Nakikipag-kaibigan lang naman ako eh."

"Ewan ko sa'yo."

"Pero Allie--"

"Ano na naman?"

"May multo daw dito sa room natin." O_____O

"H-hoy. W-w-wag ka namang g-g-ganyan." Dinidikit ko na yung upuan ko sa kanya. Nangingilabot na ako.

"Tapos namatay daw yun dahil may--"

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! WAG MO NA IKWENTO! WALA AKONG PAKE!"

"Namatay siya--"

"Lalalala. Dan dan dan. Dalandan. Lalala. Wala akong pake~" Takip takip ko ang dalawa kong tenga habang kinakanta 'yan."

Lumapit pa siya lalo. Yung mukha niya mapang-asar. Syet ang gwapo. Ano ba 'tong sinasabi ko?

"Pero joke lang yun! HAHAHAHAHAHA. Yung mukha mo. HAHAHAHAHAHAHA." -_-

"So nakakatawa pala ako ha? Baliw ka! Timang! Walang magawa sa buhay!" Pinagpa-pa-palo ko na siya. Habang umiiyak ako. Umiiyak ako? Siguro sa sobrang takot at inis. Nahlo-halong emosyon.

"Umiiyak ka?" walang saysay niyang tanong.

"Hindi. Hindi. Ipinapahid ko lang yung laway ko sa mukha ko."

"Pfft." Mukhang nagpipigil siya ng tawa. Bahala siya.

Tinitigan niya lang ako. Titigan pala ang gusto niya ah. Akala niya hind ko siya papatulan? Hmm. Titigan pala. So nagtitigan kami ng mga limang segundo nang biglang may nag-tilian. 

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! OMG. OMG. GUYS TINGNAN NIYO! YUNG TITIG NI REIN! OMG. KAY ALLIE. WAIT, SI ALLIE, GUSTO NIYA? OMG. I HATE YOU GIRL!"

WATDAHEL.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's A Notorious WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon