What Makes You Beautiful

571 15 11
                                    

What Makes You Beautiful

You're insecure,

Don't know what for,

You're turning heads when you walk through the door,

Don't need make-up,

To cover up,

Being the way that you are is enough,

**

*bzzzzzt*

1 message received

Kinuha ko yung cellphone ko saka binasa yung message.

Message from Sir Morales

Congratulations Mr. Xylem Gian Mercado, you just have been chosen to be one of our scholars in America. Prepare your things as early as now because your flight will be next week. Thank you. This is Mr. Morales of the Principal’s office.

Ayos! Nakasama ako sa mga napili para maging scholar sa America, matagal ko na ‘tong pinapangarap.

Tinago ko yung cellphone ko.

“Hoy Xylem halika samahan mo ako!” Sabi ni Pia habang hinahatak ako sa damit.

Ang problema ko, maiiwan ko ba tong makulit na to? Tss.

“HOY! Ano ba! Bakit ka tulala jan?”

“Pia san na naman ba tayo pupunta?” Sabi ko habang sumusunod lang sa kanya.

“Hello?! Valentine’s ngayon kaya pupuntahan ko si Jack. Dali! Samahan mo ako may ibibigay ako sa kanyang regalo!” Pia.

Psh. Si Jack nanaman, sya nalang lagi ang bukambibig niya. =___=

Nandito naman ako, hay bakit kaya hindi nalang ako diba? Hmp.

“Hoy! Ano ka ba? Baka mahuli na tayo! Baka umuwi na sya. Bilisan mo ngang maglakad dyan.” Pia, habang hatak hatak pa rin ako sa damit ko.

“Pia marunong naman akong maglakad eh.” Sabi ko sa kanya.

“Ang bagal bagal mo kasi dyan eh!”

“Eh bakit ka ba kasi nagmamadaling pumunta dun sa Jack na yun ha? Bibigyan mo sya tapos ako nanaman ang maaagrabyado nito.” Ako

Naglalakad pa rin kami.

“Tss. Ang selfish mo nanaman Xylem eh! Di ba matagal ko na syang gusto kaya gusto kong mapansin nya ako. Alam mo naman yun eh.” *pout*

Sino ba naman ang makakatanggi sa pout nya. Tss. Alam na alam nya kung paano ako mapapapayag. Kung di ko lang talaga sya mahal baka hindi ako pumayag eh.

“Tss. Oo na oo na! Tigilan mo na kasi yung paghahatak mo sakin, marunong naman kasi akong maglakad.” Sabi ko sa kanya.

“Yey! I love you bestfriend!” Sabi nyang nakangiti sabay yakap sakin.

Ayan nanaman sya sa yakap yakap nya, haay. Kaso ano nga ba ako sa kanya?

Isang martir na bestfriend na minamahal siya ng patago. Psh. Yun lang naman ang role ko dito eh.

“Dali dali halika!” Hinawakan nya yung kamay ko at nagmadaling pumunta dun sa pinagkakaguluhan ng mga tao.

“Akala ko ba pupuntahan natin si Jack, eh bakit nandito tayo?” Tanong ko sa kanya.

Pinagkakaguluhan ng mga babae, sino kaya toh? Tss. Baka nagtitinda ng sale na bags at mga damit kaya ganyan.

“Sabi ni Cath pinagkakaguluhan daw si Jack eh. Kaya sya na yan! Dali dali!” Nakisiksik kami dun sa mga babae na nagkakagulo

You Are My Song ♫Where stories live. Discover now