The Man Who Can't Be Moved

403 14 5
                                    

The Man Who Can't Be Moved

Xylem’s POV

Calling Cath..

“Hello Cath?”

(Hello? Who’s this?)

“Si Xylem to—“

(Oh My Goose!! Xylem ikaw pala! Kamusta?)

“Hahaha. Di ka pa rin nagbabago. Eto okay pa naman.”

(Anong okay pa naman? Kung sapakin kita? Ano nang nangyayari sayo dyan ah? Kamusta studies mo?)

“Brutal ka talaga. Hehe. Malapit na graduation namin. Sa awa ng Diyos ito running for suma.”

(WOW XY! Siguradong matutuwa nyan si Pia!)

“Sana nga. Kamusta na sya?”

(Eto sinapian yata ng kaluluwang emo. Laging tulala, tapos laging umiiyak. Namimiss ka kasi eh, alam mo ba kung kelan nawala ka saka nya napagtanto sa sarili nya na ikaw yung mahal nya. Tanga tanga talaga nung babaeng yun kaya ayun nagsisisi na pinaalis ka nya pero maya maya babawiin tapos sasabihin okay na daw yun atleast natupad yung pangarap mo. Tapos sasabihin nya rin malakas sya tapos maya maya babasain yung balikat ko ng luha nya.)

*sigh*

Eto na nga yung sinasabi ko eh. Haaaay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakamove on kay Pia. Ang akala ko pag umalis ako sasaya na sya kay Jack, ako ang may kasalanan nito eh. Bakit pa kasi ako umalis? Bakit inuna ko pa yung pangarap ko kesa kay Pia? Napaselfish ko palang tao. Bakit ako naniwala sa kanya na pag umalis ako magiging okay na? Ang laki ko talagang g*go!! Sh*t. Namimis ko na sya. (__ __)

(HUY XY! NANDYAN KA PA BA?! Nabanggit ko lang si Pia nabaon ka na yata gabundok na snow dyan.)

“A-ay sorry Cath. Miss ko na rin si Pia. *sigh*”

(Eh kung bumalik ka kaya dito noh? Para magkita na kayong dalawa. Mga nagpapakamartir kasi eh, di naman pala keri.)

Tama si Cath, gusto kong umuwi sa Pilipinas at yakapin sya ng mahigpit. Sasabihin kong mahal ko si Pia at kahit kailan hinding hindi yun mababago ng paglipas ng panahon.

“Tatawagan ko sya Cath. Anong number nya? Di ko kasi macontact yung luma nyang number eh.”

(Teka teka. Eto 0927******* Bago nyang number yan. Nasa school pa yun, nagpaiwan sya eh. Kaya ayun umuna muna ako. Siguradong matutuwa yun kapag tumawag ka.) Sinulat ko yung number na sinabi sakin ni Cath.

(Oh sya sige na. Tawagan mo nalang ako ulit kapag may kailangan ka.)

“Sige Cath. Thank you. Mag iingat kayo bye.”

*toooot toooot*

Sinave ko yung number sa cellphone ko saka ko kinontact.

Calling 0927*******

Sorry the number you have dialled is either unattended or out of coverage area, please try your call later.

Lowbatt sya? Baka naman mali yung number na nasave ko. Baka nagchacharge sya? Try ko ulit.

Calling 0927*******

Sorry the number you have dialled is either unattended or out of coverage area, please try your call later.

Isa pa.

Calling 0927*******

Sorry the number you have dialled is either unattended or out of coverage area, please try your call later.

You Are My Song ♫Where stories live. Discover now