You Are My Song
Xylem's POV
"Sir hanggang dito nalang po kayo. Hayaan nyo nalang po sya samin. Don't worry sir, hindi po namin sya pababayaan. Tatawagin nalang po namin kayo para iinform kung ano na pong nangyari sa kanya." Sabi nung nurse sakin habang pinapasok si Pia sa E.R.
F.cksh*t bakit ngayon pa 'to nangyari? Kung kelan abot kamay ko na sya. Pesteng tadhana! Nananadya ata eh!
Pia wag kang susuko please?
Wag mo kaming iiwanan. Diba sabi mo mahal mo ako? Wag mo akong iiwanan huh? Pia. Tandaan mo mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para mabuhay ka. Kung kailangan mo ng dugo, ibibigay ko lahat ng dugo ko para mabuhay ka. Kahit ano basta para sa'yo. Kahit magbayad ng malaki, handa akong mamalimos para lang sayo. Tatanggalin ko lahat ng hiya at pride na meron ako basta imulat mo lang ang mga mata mo at maramdaman ko lang muli yung mga kamay mo.
Naluha nanaman ako. Wala akong magawa. Di ako mapakali kaya palakad lakad lang ako at pabalik balik. Upo, Tayo, Lakad parang cycle na paulit-ulit kong ginagawa.
Anong gagawin ko? Bakit wala akong maisip na paraan para maisalba sya? Eto ako naghihintay lang sa kung anong mangyayari.
"PIA!!! Nasan ang anak ko, Xy?!" Nagpapanic na tanong ng mom ni Pia.
"Tita nasa E.R. po sya. Maghintay nalang daw po tayo sa kanya." Kahit kausap ko si tita di ko pa rin mapigil ang mga luha sa mata ko. Pinipilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko sa kalagitnaan ng mga luhang tumutulo sakin.
"Si Cath nasan si Cath?!" Tanong nya sakin.
"Tita wag po kayong magpanic. Magiging okay lang po si Pia. Si Cath po kasama nung mga pulis. Nasa police station po sila kasama po yung nakabunggo kay Pia. Umupo muna kayo." Umupo naman yung mama ni Pia at yumuko. Alam kong nag-aalala sya, nararamdaman ko ang nararamdaman nya. Masakit sakin pero sigurado akong mas masakit kay tita na marinig ang balitang naaksidente si Pia.
"X-xy.." Lumapit sakin si Cath at may inabot sya sakin.
Isang bear na may kasamang sulat.
Yung bear at sulat na yun may mga dugo sa paligid.
"Galing kay Pia?" Tumango lang sya at tumulo yung luha sa mata.
"B-basahin mo yan X-xy." Binuksan ko yung sulat at binasa ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Xylem Gian Mercado,
Bestfriend! Long time no see. Kamusta ka na? Alam mo bang miss na miss kita?
Actually ayoko na talagang magpaligoy-ligoy pa. Xy, mahal din kita. Ang tanga ko lang talaga dati kasi hindi ko narealized na hindi na pala kaibigan ang turing ko kundi higit pa dun. I'm sorry kasi pinalaya kita, pinaalis kita, sinaktan kita kasi ang manhid ko. I'm so sorry Xy, hindi ko sinasadyang sabihin yun, siguro sa pagkabigla ko, nasabi ko yun.
Pero alam mo ba nung nawala ka halos magunaw na mundo ko? Ang O.A. lang pero totoo yun Xy. Parang nawalan ako ng ganang mabuhay kasi pinaalis ko yung taong nagpapahalaga sakin, yung isa sa mga taong pinakamahalaga sa buhay ko.
Tuwang-tuwa nga ako nung sinabi ni Cath na babalik ka raw para sakin. Parang gusto kong tumalon nung araw na yun. Excited na akong makita ka at mayakap ka.
Xy, para sayo yang regalong yan sana magustuhan mo. Itago mo yan, kapag nasira yan magagalit ako sayo. Wag mong padadapuan ng alikabok yan Xy. Tanda yan ng love ko sayo.
YOU ARE READING
You Are My Song ♫
Roman pour AdolescentsIndenial bestfriends na pakipot sa isa't isa. Ano na lang ang mangyayari sa kanila kung tinanggihan ni girl ang pag-ibig ni boy? At dahil doon nagdecide na umalis si boy. Based from songs.