Still Yours 28

3 1 0
                                    

"Do you think magkaka-ayos kayo nang ganyan? Sa pagtitig titig lang ha?" I came back to reality nang marinig ko ang boses ni Christ. Hindi ko namalayan na naka titig na pala ako sa kanya.

"Laway mo oh tutulo na." Kinapa ko agad ang gilid ng labi ko at napag-alaman kong niloloko lang pala ako ni Christ nang sabay-sabay ko silang narinig na nagtawanan.

"Nakaka-inis ka!" Nasabi ko na lang at hinampas ko sya sa braso nya.

Kanina after lunch, kinulit nila ako na sumama sa kanila kahit mag-ikot lang or magpicture picture. Para na rin hindi ako mabored kahit na meron ako at para hindi na rin maghinala si Raye kung ano ba talaga ang ginagawa ko at busy-ng busy ako.

"Ano ba ginagawa nila dun?" I asked habang nakatingin padin dun sa 'di kalayuan na bahagi ng beach.

"Yan ba talaga ang tanong mo girl? Wait. Let me rephrase.. Sino ba talaga kausap nya? HAHAHA!" pang-aasar ni Gab at mas lalo akong nagselos.. Yes you read it right. Yun talaga ang gusto kong itanong but as a girl you know naman na mas sarili kaming language.

Parang...

'Sige sumama ka na sa tropa mo dito lang ako means... 

Dito ka lang samahan mo ako, 'wag kang aalis sa tabi ko.


'Di ako galit / okay lang ako means... 

Galit talaga ako sayo at hindi ako okay


'Ang cute niyo tignan. Bagay kayo. Means.... 

Aray ang sakit bagay kayo pero mas babagay kung ikaw yan at ako.


'Oo means... Hindi. Hindi. Hindi.


"Someone's jelly." Dagdag na pang-aasar pa ni Christ. Sasagot sana ako nang biglang dumating si Castor.

"Christeline.. Tara?" Sa dalawang salitang iyon ni Castor biglang parang nawala ang Christeline na bully, joker pero seryoso magpayo.

Sincerely Yours, PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon