Still Yours 27

6 1 0
                                    

Penelope's POV

NANG KINAHAPUNAN ay umuwi na rin kami. Wala rin naman kasing masyadong magagawa doon sa talon eh. Pero bukas ay aalis nanaman kami but this time kasama na sina Mama at Papa. Paniguradong madaming alam si Papa na lugar.

"Uy Pen ano ba kasi yun? Bakit ka umiyak?" Hindi ko pala nabanggit na patuloy pa din si Raye sa pangungulit sa akin kung bakit ako umiyak.

Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Wala nga Raye." At nalungkot naman sya sa naging sagot ko.

"Wala nga kasi.. M-may nalaman lang ako." Natawa nanaman ako sa ekspresyon ng mukha nya ➡ Σ(O_O;)

"A-anong nalaman mo?"

"Tungkol sayo." Nginisian ko sya at namutla sya. Grabe to.. Akala mo may nagawang krimen eh

"Ikaw ah! Nakaka halata na ako sayo. Lagi nalang kapag sinasabing nalaman about sayo nagugulat ka.."

"E-eh baka malaman mo yung g-ginawa ko." Tinignan ko naman sya ng ano-namang-ginawa-mo-look

"WALA. BASTA." Sabi nito at tinalikuran na ako. Kaya ayun buong byahe hindi tuloy kami nag-usap. Ano naman kung malaman ko yung ginawa nya? Cute kaya. Ka-touch.

Ok na rin yun para makapagplano kami.


PAGDATING ng sasakyan namin sa Mansyon ay sinalubong kami nina Mama, Papa, Kuya Bud, Ate Tere, Ate Lydia at Manang Rosa. Bubuhatin ko naman na sana ang mga gamit ko nang kunin ito ni Raye.

Aw kahit parang nagtatampo ito sa akin ay hindi nya parin ako hinayaang magbuhat.

٩꒰・⌣・ั ꒱۶

"Oy Pen. Anong ginawa mo dun?" Lapit sa akin ni Gab sabay bulong nito. Sumabat naman si Christ at sinabing "nagtampo si Cupido."

"Why? Anong ganap?" Pang-uusosyo naman ni Lauren sa amin nang makalapit ito. Inilapag ko muna ang backpack ko sa sofa tsaka sila hinarap.

"Tinanong ko lang naman sya ah kung bakit parang lagi syang gulat kapag sinasabi kong may nalaman ako. What's masama ba doon?" 'Di makatinging pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Eh kasi nga baka alam mo na yung ginawa nyang yun. Baka nahihiya." Sagot ni Christ at napabuntong hininga nalang ako. Nagpaalam nalang ako sa kanila na magpapahinga na ako.

Sincerely Yours, PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon