Sincerely 16

3 1 0
                                    

Kapag talaga matagal na hindi nakita kahit hindi magsalita halata mong namiss kita.

————————————————

"S-so? Kumain ka na ba?" I said to break the awkward silence . Well kanina pa kasi sya dumating pero wala pa ring nangyayari. I mean we just stayed silent not until now.

"A-ay! E-eto nga pala... I-i-hahanda ko na saglit lang ah?" Pautal-utal na sabi nito at tsaka tumayo para ihain ang dala nyang pagkain.

"How are you?" I asked him habang patuloy syang nag-aayos ng pagkain. Nagulat naman syang kinausap ko sya kaya he automatic looked at me.

"Hindi ayos. Ah. I mean A-ayos lang." Ngumiti ito ng pilit. Anong ibig nyang sabihin? Hindi sya ayos kasi hindi kami nag-uusap lately o ayos lang talaga sya

"Ikaw?" He asked me naman. Hindi ako sumagot but instead of answering him, tinignan ko lang sya. Tinignan hanggang sa makaramdam sya. Napatingin sya and our gazes meet.

"Do you think I'll be ok if nalaman kong ang matalik kong kaibigan ex pala at mahal pa ng taong mahal ko din?"

"So to answer your question, no I'm not. I'm not okay cause nasanay na akong maging okay kasama sya. Nasanay na akong maging masaya kasama sya. And now what? Mukhang kailangan ko nanamang magsanay ng mag-isa."

Sunod-sunod na utal ko sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa kanya at ganun din sya. I didn't expect na masasabi ko ang mga bagay na nasabi ko kanina pero... Ugh! Wala na. You can't take back na what you just have said.

Natauhan siguro sya kaya inilapag nya ang mga hawak nyang Tupperware at umupo sa harap ko.

"Hindi rin ako ayos." Malungkot na pahayag nito.

"Kasi hindi pa tayo nagsisimula parang matatapos na agad. Hindi pa totally nagiging ayos yung sa atin pero parang nagugulo naman. Hindi ko pa nalalahad yung totoo kong nararamdaman pero bakit parang kailangan kong itago pa. Hindi ko na nga mahal pero parang pinagpipilitan mong mahal ko. Ikaw na nga pero bakit ganto?"

Sincerely Yours, PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon