Troy.
Ansakit. Sobrang sakit. Ganon naman talaga eh kapag magmamahal ka, kakambal ng pagmamahal ang masaktan. Teka, bakit nga ba ako namomroblema? Sa Gwapo kong to? Walang magkakagusto sakin. Hindi ako dapat binusted. Magsisisi siya na pinakawalan niya ko. Andaming babae sa mundo hindi lang siya at mas maraming maganda at mas sexy kesa sa kanya.
Pupuntahan ko pa pala si Alexa. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong humingi ng sorry sa kanya ng personal.
📞Calling Alexa...
"Bakit monggi?" Bungad niya sakin.
"Gwapo naman!" Sagot ko na may halong pang-aasar.
"O, ano nga yun?"
"Pupunta ko diyan ngayon."
"Sige hintayin kita. Bibili lang ako ng pagkain kasi di ba baka sabihin mo ginugutom kita nakakahiya naman kasi sayo eh!" Pasigaw niyang sabi.
"Dapat lang na di mo gutumin yubg gwapo mong bisita. O siya, on the way na ko diyan. Bye Panget!"
Call ended.
Alexa.
Lumabas muna ko para bumili ng makakain kasi pupunta lang naman yung monggi kong best friend. Dumiretso na ko ng greenwich para bumili ng dalawang box ng pizza. Oo. Dalawang box dahil sobrang takaw ng monggi na yun. May alagang dragon ata sa tiyan yun eh.
Habang naglalakad ako papuntang kanto para maghanap ng masasakyan, nakita ko yung batang babae kasama yung tatay niya na naglalaro sa kalapit na park ng subdivision namin. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Ang saya nila. Samantalang ako, ni minsan di ko naranasan ang mga ganyang bagay. Ni minsan di ko man lang naramdaman na magkaroon ng isang ama. Tanging picture at locket lang ang pinanghahawakan ko galing sa kanya. Gusto kong magalit dahil sa ginawa niya. Gusto kong ibunton lahat ng hinanakit na meron ako dahil sa kanya. Kasi kahit kelan di niya ko naisip balikan. Di niya ko naisip na tawagan kahit kausapin. Di niya ko naisip hanapin. Minsan iniisip ko na lang, nandiyan naman sina Tita at France tsaka si mommy.
Nakabili na ako ng dalawang box ng pizza at sa di kalayuan, nakita ko yung kotse ni Troy. Teka? Bakit parang andami nila. Hala, tama ba tong nakikita ko? Kasama ni Troy si Ethan at Cassandra. Shet!!!!! Di pa nga ako nakakaligo eh! Sa likod bahay ako dadaan para di nila ako makita. Agad kong tinext si Troy na pumasok na lang sila at sa loob na lang sila maghintay.
Sa Kwarto.
Agad akong naligo at nagbihis. Shocks! Di man lang nag pasabi si Troy na may mga kasama pala siya. Bumaba na ako at dala ko yung pizza na binili ko.
"Hi Alexa." Bati sakin ni Ethan. Ang lalim ng boses niya. Gwapo.
"Hi." Nahihiyang sabi ko.
"Ehem! Hoy, Bes. Namumula ka." Nakatingin sakin si Troy habang nagpipigil ng tawa.
"Hu--huh?" Para kong tanga.
"Namumula kasi yung pisngi mo." Nakangiti sakin si Ethan. Ommo!
Agad akong nagpunta sa kusina upang kumuha ng mga baso at dinig ko hanggang kusina ang tawa ni Troy.
Nakakahiya talaga. Sheeetttttt!!!!!! Sino ba naman kasing di kikiligin sa napakagwapong si Ethan? Sa totoo lang, di ko pa din nasasabi kay Troy na crush ko si Ethan. Gusto niya kasi siya lang ang gwapo sa paningin ko. Well, totoong gwapo naman si Troy, pero iba talaga yung dating sakin ni Ethan.
YOU ARE READING
Lucky to meet you
Teen Fiction"Study first, before love." yan ang motto ni Alexa sa buhay niya. Isang matalinong Nerd na may lihim na pagtingin sa kaibigan ng best friend niyang si Troy ngunit si Troy, ang best friend niya ay may lihim na pagtingin sa kanya. Ngunit walang gusto...