Chapter 3: Performance Task

38 3 0
                                    

Alexa.

Mag-aala sais na kaya naisip kong gisingin ko na si Troy. Nung nakatulog siya, nanood ulit ako ng movie kasama si France. Umakyat ako at nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Napakaamo ng mukha niya. Kitang kita mo ang mapupulang pisngi at labi sa mukha niya. Ang puti ng balat niya. Minsan nga naisip ko, paano kung totoo yung sinasabi ng iba? Lalo na si Tita na bagay kami ni Troy? Malabong magkagusto sakin to. Ibang klase ng babae ang nagugustuhan ni Troy at malabong hindi ako ang tipo ng babaeng hinahanap niya. At tsaka, never pa akong nagkagusto sa kanya. Teka? Baka iniisip nito, pinagpapantasyahan ko na siya.

Hinubad ko muna yung salamin ko at pumunta muna ako sa kabilang kwarto para magbihis. After 5 minutes, bumalik na ako sa kwarto ko pero tulog pa din siya.

"Troy? Wake up." Tinatapik ko siya.

Habang ginigising ko siya, unti-unti na niyang minumulat ang mga mata niya.
Mukhang gulat na gulat ata siya.

"Sino ka? Asan si Alexa?" Napaupo na lang siya habang pinagmamasdan niya ko.

Troy.

"Troy, wake up." Habang tinatapik niya ko.

Unti-unti kong minumulat ang mga mata ko. Nang maimulat ko na, ang amo at ang ganda niya. Parang pamilyar yung itsura niya. At eto pa, ang sexy din niya pero di naman ganun masyado.

"Sino ka? Asan si Alexa?" Napaupo na lang ako habang pinagmamasdan ko ang mukha niya.

"Ako to si Alexa." Sagot niya habang nakatitig padin ako sa kanya.

"Weh? Patunay?"

Kinuha niya yung salamin na nakapatong sa may lamesa malapit sa lampshade. Oo nga. Siya nga. Si Alexa.

"Ay oo nga no. Basta Flat Chested, ikaw yun." Sinamaan niya agad ako ng tingin at tumawa kami ng sabay. Di ako nagbibiro ang ganda niya nga pag nag-ayus siya.

"Bes, what if, ipatanggal mo na yang braces mo at magpacontact lense ka na lang?"

"Huh? Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.

"Mas bagay kasi sayo yung wala kang salamin at braces eh. Lumalabas yung tunay mong ganda. Di ako nagbibiro bes." Nakangiti lang siya sakin.

"Troy, wala akong piso." Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Umuwi ka na kasi gabi na." Tumango na lang ako.

Alexa.

Habang pababa kami ng hagdan, naisip ko yung sinabi ni Troy. Totoo ba yung sinabi niya? O dala lang ng katakawan niya kanina? Ayokong maniwala. Ayokong umasa kasi loko-loko yun eh.

"Bes, may crush ka ba kay Ethan?" Naubo na lang ako sa sinabi niya. Oo siyempre haha.

"Hu--huh? Wala kaya."

"Bakit defensive ka? At tsaka bakit namumula ka kanina nung dumating siya?" Seryoso yung mga tingin niya sakin.

"Troy, may aaminin ako. Oo. Crush ko si Ethan. Ang sweet at gentleman niya kasi eh. Sorry kung tinago ko sayo."

"Ayus lang naman sakin kung magkacrush ka sa kanya pero sabihin mo sakin kung nililigawan ka niya. Hindi ako papayag." Seryoso pa din siya.

"Huh? As if naman na liligawan niya ko? Di ako maganda. Matalino lang. Teka, bakit hindi ka payag? May problema ba?" Nakatawa ako sa kanya.

"Kasi siyempre, mayroon ng mas gwapo sa paningin mo. Mawawalan ka na ng oras sakin." Seryoso pa din siya.

"Troy, gwapo ka pa din naman sa paningin ko. At kailanman, hindi ako mawawalan ng oras kung magkaroon man ako ng manliligaw o boyfriend pero sa tingin ko wala namang darating. At tsaka wag kang mag-alala, ikaw pa din naman yung unang lalaki sa buhay ko kesa sa kanila."

Lucky to meet youWhere stories live. Discover now