Alexa.
Sa Kwarto.
Nakauwi na ako galing school pero di ko pa din nahahanap yung diary ko. Kanina pa ako kinakabahan kasi paano kung nabasa nung nakapulot yung laman ng diary ko? Nakakahiya. Ang dami pa namang picture ni Ethan yung diary ko. Nakakahiya baka sabihin assumera ako na baka magkagusto sakin si Ethan. Nandoon lahat ng sikreto ko, yung mga email at password ng mga social media account ko. Lahat nandun. Antanga ko kasi. Isa akong malaking tanga.
Maya-maya may kumatok sa pinto.
"Pasok." Aligaga kong sabi.
"O hija? Bakit ang kalat ng kwarto mo?" Sabi ni tita sakin.
"Pano po kasi nawawala yung diary ko." Naghahalungkat ako sa mga cabinet ko pero wala pa din.
"Hija, baka naman pinatong mo lang kung saan saan. Hayaan mo, maglilinis ako ng bahay bukas baka sakaling mahanap ko." Ngumiti na lang ako.
Buti na lang walang pasok bukas. Sana mahanap ko na yung diary ko. Hmmm... ano kayang pwedeng gawin bukas? Pero di ko talaga alam kung saan ko pinatong or baka nalaglag ko lang sa kung saan. Actually ilang days na kong di nakakapagsulat sa diary ko simula nung nagkabanggaan kami ni Ethan. Huh? Si Ethan? Teka? Tama! Baka na kay Ethan yung diary ko kasi nalaglag yung mga gamit ko nun eh. Wait... tawagan ko kaya siya kaso wala naman akong number niya. Si Cassandra may number ata siya sa cellphone ko. Habang naghahanap pa din ako, sinagot na ni Cassandra yung call ko.
"Hello Alexa!"
"Hello Cass, pasensya na sa istorbo ah. Nandiyan ba yung kuya mo? May itatanong lang ako sa kanya."
"Oo nandito siya. Saglit lang tatawagin ko siya."
"Hello Alexa? Musta." Ang gwapo ng boses niya.
"Hello din. Am...di ba nung isang araw nagkabangaan tayo, may nakita ka bang diary na color violet? Or may may nakuha ka? Sakin kasi yun eh."
"Am...wala naman."
"Ah sige salamat."
Nasaan na kaya yung diary ko? Kinakabahan talaga ako. Andun lahat ng sikreto ko. Haysss...mahahanap din kita. Teka? Ngayon nga pala yung audition sa chorale. Pupunta muna ako ng campus at saka ko na ulit ipagpapatuloy ang paghahanap sa diary ko.
Southcrest University.
Mahigit 30 minutes na kong naghihintay para sa audition ng Chorale. Di na ko naglunch dahil ayokong malate. Ngayon na lang ulit ako makakasali sa chorale kasi yung last na sali ko, di ako natanggap. Elementary pa ko nun. Kaya hindi na ko nag audition simula nun. Siguro sadyang panget ang boses ko or sadyang kinabahan lang ako nung time na nag-audition ako. Actually, di dapat ako sasali ngayon eh kailangan para sa grades namin sa Music.
So ayun, after 30 minutes nagpunta na kami sa AVR kasabay ko sina France at Troy. Gusto ko ng makipagbati sa kanya kaso naiinis pa din ako. Haysss... wag na nga muna yan ang isipin ko. Habang nasa hallway kami, nagvovocalize na yung ibang estudyante. Ang gaganda ng boses nila lalo na si Luna.
"Alexandra Montereal next ka na." Sabi nung isang estudyante sa harapan. Si Luna. Hindi pala siya mag-oaudition. Isa pala siya sa magjajudge samin.
Umakyat na ako sa stage at kitang kita na maraming nanonood. Malawak at malaki ang AVR ng campus namin. Nakakakaba dahil ngayon na lang ulit ako nakapag-audition.
At nagsimula na akong kumanta ng Too Good at Goodbyes by: Sam SmithKinakabahan talaga ako. Sana isa ako sa matatanggap sa chorale.
Author's Note:
Hi! Sorry sa short at very late update. Busy kasi ako nitong mga nakaraang buwan.
YOU ARE READING
Lucky to meet you
Roman pour Adolescents"Study first, before love." yan ang motto ni Alexa sa buhay niya. Isang matalinong Nerd na may lihim na pagtingin sa kaibigan ng best friend niyang si Troy ngunit si Troy, ang best friend niya ay may lihim na pagtingin sa kanya. Ngunit walang gusto...