First Eye

2.2K 32 8
                                    

"...Ole? Nicole gumising ka"

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko ng may narinig akong tumatawag sa akin. Masakit ang ulo ko at tila para bang may pumukpok dito na martilyo. Tumingin ako sa gilid para malaman kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Erina sa tabi ko na duming dumi ang damit.

"Erina?" Mahina kong pagkakasabi sa kanya habang sinusubukan kong tumayo. Ang huli ko lamang na natatandaan ay nasa bus kami ng nakita ko na may usok na naggagaling sa upper deck.

"What happened?" Patanong ko sa kanya.

Pagkatayo ko tinignan ko agad ang paligid at nakita ko na wala na pala kami sa bus, nasa isang bahay na kami. Nakasarado ang mga bintana, at base sa dilim sa loob, gabi na. Makalat ang lugar, para bang may nakatira dito na hindi na lumabas pa muli. Nang lumingon ako sa paligid, nakita ko ang iba kong kaklase at ka batch na nag iikot o nakaupo lang, para bang wala sa sarili. Siguro kasi bagong gising na katulad ko.

"Hindi ko alam eh, alam mo naman na nakatulog ako sa bus. Pagkagising ko nandito na tayo"

"Eh bakit ang dumi ng damit mo"

"Sinubukan ko kasi umakyat dun sa sofa, para tignan ung labas ng bintana, kaso alam mo naman ako, medyo shunga, nahulog tuloy ako" natatawa tawa pa si Erina habang sinasabi niya sa akin ito. Tinignan ko ung bintana na tinutukoy niya at lumapit papunta dito para akyatin.

"Sinubukan mo na bang gamitin ung cellphone mo?"

"Nope, nawawala ung bag ko. Ung cellphone ko nasa bag ko" nakaunot ang noo ko at kinapa ko ang bulsa ko, pati cellphone ko ay nawawala.

"Oh well, malalaman naman nila kung nasan tayo since may tracker ung mga phone natin" medyo kampante sa tracker na nasa phone ko. Inakyat ko ung sofa at tinry kong tumingin sa labas pero wala akong masyadong nakita. Hindi naman mukhang nakakatakot talaga ung lugar, para lang talaga siyang pang party ni Mia. Ang hindi ko naman maintindihan ay kung bakit kailangan niya pa ung usok na pakulo. Ang sakit sakit tuloy ng ulo ko.

"Nicole"

"Yeah?" Tumingin ako sa likod ko at nakatayo dun si Clarence. Si Clarence ay isa sa mga pwede mong tawagin na heartthrob sa school. Wala nama siyang active fanclub talaga, pero he does have a lot of admirers here and there during his Tennis games. I can see the fascination though, since Clarence always had the most beautiful set of blue eyes I have seen.

"We checked the back door, it's open" The way Clarence talks is just nice, it's like you can make his voice your lullaby. I could say I have a tiny crush on him as a joke but actually I do have a crush on him.

"You can stop looking outside" For some reason though. He looks hella distracted before turning around "You might want to bring you skirt down, too...A lot of people are staring"

"What....WHAT!?" Dali dali akong bumaba sa sofa pagkasabi ni Clarence nun and immediately inirapan ko si Erina na hindi man lang ako sinabihan. She was just standing there, smiling at me like an idiot. "Gurl, explain"

"Poor eyesight bes, ang dilim eh"

"Mas malapit ka sa akin!"

"Compared kay mister hotshot?" Natawa siya "Oh please Nicole, you gotta thank me for that. I know you like Clarence"

"You and your logic. He saw my underwear and I have to thank you for that? Adik talaga toh" Inirapan ko ulit si Erina bago ako sumunod papunta kayla Clarence. Minsan mahal ko si Erina pero minsan hindi din talaga kami magkaugali.

Welcome to the Dead WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon