Revised as of March 26, 2020
Sa lahat po ng nakaantabay sa Dead Wonderland, pasensiya na po at natagalan sa pag update. Nawala ako sa direksyon, pero ngayon, nasa proseso ako ng pag aayos ng kwento.
~~**~~
Madalas nating sundin ang mga utos ng mga magulang natin dahil sila ang nakakaalam ng mga mararanasan mo sa mundo. Napagdaanan na nila ito at ayaw lamang nila na mapagdaanan mo ang mga paghihirap na naranas nila, kaya naman kung ikaw ay pinag aaral ng mabuti, mag aral ng mabuti, kapag sinabi sa atin na wag lumabas sa gabi, sundin din natin ito, dahil hindi natin alam ang mga masamang pwedeng mangyari.
Pero minsan, kahit gaano ka nila payuhan sa buhay, ay nagagawa mo pa din na sumaway. Minsan gusto mo lang maranasan ang mga ayaw iparanas sa iyo ng mga magulang mo at dahil sa pagsuway kong ito, hanggang dito nalang ang kahahantungan ko.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa posisyon na ito. Isang linggo bago ito mangyari, isa lang akong normal na high schooler, malapit ng mag graduate at sa wakas ay makakapag kolehiyo na. Tama nga ang sabi nila, nasa huli ang pagsisisi, wala na akong mapagsasabihan nito, kaya't hanggang humihinga pa ako, ay ikukwento ko sa inyo ang malagim na nangyari sa amin.
Ako si Nicole Alvarez at ito ang kwento sa mga huling sandali ng buhay ko.
~~*****~~
Madilim ang langit habang kinukuha nmin ang aming huling pagsusulit. Ngunit hindi ako nagagambala sa lakas ng kulog at pinapatuloy ko ang pagsagot. Isa lang ang nasa isip ko.
Onti nalang at makakapag kolehiyo na ako.
Sa wakas, makakawala na din ako sa Bernadino School.
Matagal ko ng pangarap ang makaalis sa lugar na ito. Simula ng pagpasok ko ng high school, pinangarap ko nang lumayas. Wala akong ibang hinangad kung hindi malayo sa mga demonyo este tao, na nandirito.
Don't get me wrong. Minahal ko ang eskwelahan na ito simula noong bata pa lamang ako. Dito lumaki ang magulang ko, ito din ay pinalakad ng aking lolo.
Iisipin mo siguro, napaka privileged ko naman. Madaming tao diyan na gustong makapag aral pero hindi nila magawa, pero bakit ako, nagrereklamo pa ako?
Isa lang ang msasabi ko.
Fuck off.
Madaming may gusto na pumasok dito. According sa statistics, mataas silang napproduce na magagandang graduates. Ung iba nakakagraduate pa ng Suma Cum Laude! Sabi nila, sadyang strikto ang school namain. Maganda ang pamamalakad.
Sa unang tingin, masasabi ko nga na maganda ang Bernadino. Malaki ang campus, high class ang mga equipment. magagaling ang teachers at hindi kami nagkulang sa mga lessons.
Ballet ba kamo? Meron kami niyan.
Music? Mandatory yan eh
Archery? Duh.
Gun shooting? You wouldn't even think twice na may ganyan sa school! Dapat wala diba? pero ang nakakatawa, meron.
Isa pa sa pride ng school ay ang scholarship program. Yearly, meron kaming 12 scholars na nakakapasok, 3 from each grade. Kung scholar ka, you better maintain your grades. Kung hindi sa acads, kahit sa sports or sa activities. Kung meron man na babagsak, kick out agad yan sa school.
Sabi ko nga kanina, very high grade ang teachers namin, pero hindi ibig sabihin nun na may puso pa sila.
Do you know what's disgusting? Ung ugali nila na sumusunod sila sa mga students. Kahit anong pag pursigi ng isang scholar, hindi mailalayo ang mga bullies. It's a toxic behavior na ayokong makita.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Dead Wonderland
HorrorAyon sa pamahiin ng mga matatanda, wag kang gagala bago ka mag graduate, at baka buhay mo ang maging kapalit. Para sa 4th year class ng Bernadino Prep School, isa lamang itong panakot ng mga matatanda, kaya bago ang kanilang graduation, sila ay nags...