Confusion

2.1K 40 32
                                    

Magulo...

Maingay...

Nakakarinding sigaw ng mga tao ang bumulaga sa akin pagkalabas namin nila Mia sa pintuan ng Haunted House. Kasunod ko si Erina na nagmamadali na sa takot, nanlalaki ang mga mata niya at ang hinga niya ay hindi na umayos. Mahigpit ang kapit niya sa aking damit, mistulang ayaw maiwan mag isa.

Kahit ako ay gulong gulo sa mga pangyayari, isa lamang ang alam ko, hindi na ito kasama sa mga pakulo ni Mia. Kalahati sa mga ka batchmate namin ay nasa sahig, bumubula ang bibig. Nagkatinginan kami ni Erina at nagmadali na paalis ng lugar, hindi na tama ang nangyayari.

"MIA WHAT THE HELL IS HAPPENING!?" Nakita ko si Sir William kasama ni Sir Nico, parehas na pagod at parang nawawala sa sarili. Kinabahan ako, nasan na sila Dani?

Paikot ikot ang tingin ko ngunit hindi ko makita ang mukha ng mga nakahiga kaya naman iniwan ko si Erina kay Mia at nagmadali ako. Hindi sila pwedeng mamatay...Anong nangyayari!?

Umiikot ang paligid ko, nasusuka ako sa itsura ng mga kaklase ko na ngayon ay nabawian na ng buhay. Natigil ako sa pwesto ko, tila para bang may sumuntok sa akin ng malakas ng makita ko ang nakahigang katawan ni Dani.

Bumigay na ako at napaupo sa sahig. Hindi pwede mamatay si Dani, kanina lamang ay ang saya niyang nakikipagkwentuhan sa akin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nilagay ko ang nanginginig kong kamay sa mukha niya. Kailangan kong malaman kung totoo.

Napakagat ako sa labi ko ng nailapat ko na ang kamay ko sa mukha niya at noon, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Tumulo ang luha ko, hindi ko na napansin na humagulgol na pala ako habang niyayakap si Dani sa dibdib ko.

"Salamat...salamat at buhay ka pa"

"N-Nicole?" Tumingin ako sa taas ng narinig kong may tumawag sa akin at nakita ko si Clarence na kasama si Sophie. Mas lalong lumakas ang iyak ko ng makitang ko silang magkasama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nawal silang dalawa. "N-Nicole!! Buhay ka pa salamat sa Diyos"

"Mia" Nang nakita ni Clarence si Mia na kasama ni Erina, binitawan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ni Sophie at pumunta siya sa babae. Akala ko nag aalala din si Clarence para kay Mia pero laking gulat ko ng biglang hinawakan ang damit nito. Para bang naghahanap ng kaaway.

"So-Sophie buhay pa si Dani" Napaluha si Sophie sa sinabi ko at tinulungan niya akong buhatin si Dani patayo. Nakikita ko din ang takot sa mukha nito pero matatag si Sophie, kinakaya niya kahit na alam niyang nakakatakot. Hindi siya tumitingin sa mga bangkay na nadadaanan namin, di tulad ko na ang atensyon ay nasa kanila pa din.

Ang mga kaibigan ni Mia ay patay na din, ang mga bibig nila, bumubula. Ilang minuto lamang kaming nawala ngunit parang ang tagal ng nangyari ng gulo.

Hinawakan ko pa lalo ng mahigpit si Dani para malaman na siya ay buhay pa. Nang napatingin ako kay Erina, ang kanyang mga mata ay lumuluha habang pinipigilan niya si Clarence. Kahit ang nararamdaman ko ay hindi ko maipinta. Alam kong nag aalala si Erina para kay Mia ngunit gusto ko din malaman kung ano ang nangyayari.

"Hindi ko alam kung anong nangyari" pabulong na sinabi ni Sophie sa akin. Nakatulala siya habang naglalakad, ang damit na matagal niyang pinaghandaan ay madungis at sira sira na.

"Sa ngayon, mas maayos kung magkakasama tayong lahat. Hindi tayo pwedeng maghiwalay. Kung sino ang may pakana niyo, kailangan natin malaman" Napakunot nalang ako habang nakatingin kay Erina. Tama ang sinabi ni lola, dapat hindi nalang ako sumama dito, dinamay ko pa si Erina.

Nanatili akong tahimik habang naririnig ko sila Clarence na mag usap, wala man lang oras para umiyak dahil sa mga oras na ito may nagtatangka sa buhay namin, ngunit ang totoong tanong ay hindi pa din malinaw. Dapat ba ang tanong ay sino? O ano?

Kung titignan ko ang mga pangyayari, imposible na hindi ito nakaplano. Napatingin ako sa mga katawan at napansin ko ng mga hawak hawak nilang baso. Lahat iyon ay may laman na alcohol, kung lahat ng uminom ng alcohol ay namatay, bakit si Clarence hindi?

Ang susunod na tanong, bakit ang mga uminom lang ng alcohol? Para bang sinasabihan kami na maglaro kami, patayin namin ang isa't isa dahil may nanunuod.

"Nicole, nakikinig ka ba?"

"H-Ha?" Napatigil ako sa pag iisip ng napansin ko na wala nakatingin na pala sila sa akin. Kita ko ang pag aalala sa mukha ni Erina habang si Mia naman ay nakatingin lang sa akin. Hindi ako sigurado kung ano ang nasa isip niya ngayon, hindi madaling basahin ang isang tao na katulad ni Mia.

"Umalis muna tayo dito, sa tingin ko iyon ang una natin na dapat gawin" Nagsalita si Sir William, ang noo niya ay nakakunot.

"William, sa tingin ko kailangan muna natin tignan kung may mga natitira pang buhay" Sabay na sabi ni Sir Nico habang nakatingin siya sa mga bangkay sa sahig. Hindi biro ang mga nangyari, pero napaka kalmado nilang dalawa. Siguro dahil sila ang naatasan na magbantay sa amin kaya ganito na lamang ang lakas ng loob nila pero ako. Hindi ko kaya ito.

Bago pa man makasagot si Sir William ay may narinig akong sumusuka sa likod ko. Si Sophie ay nakahawak sa tiyan niya habang si Erina ay dali daling pumunta sa tabi nito, sabay kuha sa panyo na nasa bulsa niya upang maipahid sa bibig ni Sophie. Hindi ko na nilapitan si Sophie at alam ko na malapit na din akong masuka.

Hindi kaaya aya ang amoy sa paligid, pero kailangan kayanin para makita kung meron pa bang mga buhay maliban sa amin.

"Hindi tayo pwedeng maghiwahiwalay, tandaan niyo iyon" Pasimula na sabi ni Sir William bago niya kinuha si Dani sa pagkakahawak ni Clarence. "Clarence, maiwan ka kasama ang mga babae. Hindi ko sinasabi na hindi niyo kayang depensahan ang mga sarili ninyo, mas ayos lamang kapag nandito si Clarence. Mas kampante ako"

"Bakit? Aalis po ba kayo Sir William?" Patanong ko sa kanya. Kita ko sa mata niya ang hesitasyon sa pagsagot. Simula't sapul, hindi naman talaga kami maayos ni Sir William. Bilang isang assistant teacher, alam ko na siya ay magaling, ngunit bilang isang tao, hindi ko alam kung paano ko siya maipapaliwanag. Tumango lang siya sa akin, bago iniupo si Dani.

"Maiwan kayo dito. Kaming dalawa ni Nico and maghahanap ng iba pang tao"

Pagkaalis nilang dalawa, naiwan kaming nakaupo malapit sa mansyon kung saan kami nagising, walang nakikipag usap sa isa, pinapakiramdman lamang namin ang paligid.

Hanggang sa may napansin ako na hindi ko nakita kanina. Siguro dahil ito sa mga pangyayari kanina kaya't wala na sa amin ang nakapansin.

Ang isang kaibigan ni Mia ay may hawak hawak sa kamay. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ito.

"Nicole, san ka pupunta?" Tanong ni Clarence mula sa likod ko. Hindi ako umimik at itinuro ko lamang ang nakita ko.

Pagkalapit ko, napansin ko ng kamay nitong mahigpit na nakahawak sa litrato? Mula sa malayo nakita ko ang mga sunog na mukha ng aming batch.

Ang mga namatay.

At ang mga buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Welcome to the Dead WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon