Chapter 1

192 3 0
                                    

Maria's POV

*tok tok* *tok tok*
"Maria gising na may pasok ka na!" Sabi ni Ate Selma

Idinilat ko ang aking mga mata wala akong makita kundi ang madilim na silid ko at ang malamig na atmosperang bumabalot sa silid na iyon..

Bumangon ako at kinuha ang tuwalya ko bumaba na ako patungong cr upang gawin at simulan na ang aking araw..

*Afterwards*

Natapos akong mag ayos at ngayon ay handa na akong bumalik sa St. Trinidad...

Pagka baba ko ng kotse ay sinalubong ako ng malamig na hangin wala pang tao marahil masyado pang maaga kaya naman pumasok na ako sa loob ng eskwelahan para mag antay. Unti unti dumadami ang mga taong dumarating mga batang sabik sa high school at mga dalaga't binatang gusto ng gumraduate..

Natapos ang assembly namin hindi pa gaanong pamilyar sakin ang itsura ng iba kong kaklase sakin marahil sanay akong mag isa kaya hindi ko namumukhaan ang iba.

Nakita ko si Princess ang ganda niya pa den kahit nung unang beses siyang ipinakilala ni Yumi sakin nakakatuwa dahil kilala niya ako at siya naman ay nakausap ko natigil lamang nung pumasok ang isang babae sa aming silid dahilan upang matigilan ang kaingayan sa silid namin.

Matangkad siya.. Sopistikadang tignan.. Nakakatakot ang awra parang anytime magagalit siya sa amin.

....

Natapos ang una at pangalawang period ng aming klase para sa araw na ito..

Kinalabit ako ni Princess dahil gusto niyang makipag palit ng upuan sakin at agad naman akong tumayo upang lumipat sa kung saan siya nakaupo.

May nakatabi akong lalaki payat at matangkad ngunit mukhang masungit dahil medyo singkit kaya hindi ko sya pinansin dahil hindi ko sya kilala hanggang sa tumalsik ballpen ko..

Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil hindi ko alam kung ipapaabot ko ba o hindi ngunit huli na ng maiabot niya na ang ballpen ko sakin tumahimik na lamang ako..

Narinig ko sa likod ko ang mga maiingay na babae kilala ko ang iba sa ka nila gaya ni Juliane, Aly, Aliya at Reidhene hindi ko na lamang sila pinansin dahil alam kong hindi nila ako gustong maging kaibigan..

Dumadaldal si Ms. Goles sa harapan ngunit wala akong maintindihan, hanggang sa narinig kong mag bobotohan na ng class officers nag taka ako dahil tumahimik sila ngunit napawi din iyon ng biglang mag ingay ang mga lalaki..

Natapos ang mga bagay inaantay na lang namin ang bell para mag uwian.. Nakakainggit kasi sila ay mag kakakilala na samantalang ako ay mag isa..

Biglang lumapit si Angelica sakin..

"Uy ayoko maging President ikaw na lang." Sabi niya.

"Luh ayoko bahala ka dyan." Pagtatanggi ko.

"Hala kakausapin ko si Ms. Goles." Sabi niya.

"Edi gawin mo." Iritado kong sambit.

Hindi ako nag kamali kinausap nga niya ang aming guro...

At bigla akong kinausap ng aming guro..

Gusto ko na ayaw ko ang posisyon pero hindi ko namalayan na tinanggap ko pala ang posisyon.

Nawindang ako sa mga pinag gagagawa ko..

~~riiiiiiiing ~~~~riiiiiiing

Bumalik ako sa huswisyo nang marinig ko ang bell...

Tumunog na ito at hudyat nito na tapos na ang klase namin para sa buong araw na ito, abalang nag silabasan ang aking mga kaklase sa aming silid at tila'y nag mamadaling umuwi naiwan akong mag isa dahil nag aayos ako ng gamit ko sa aking desk..

May bumagabag sa utak ko nung palabas na ako ng pintuan..

"Ano ba tong gulong pinapasok ko??" Bulong ko sa aking sarili at tuluyang nilisan ang silid.

Section 8Where stories live. Discover now