Chapter 9.1

36 2 0
                                    

Maria's POV

Nagising ako ng kusa ngayon ewan ko ba excited ata akong itake ang exam na ito.

Bumaba na ako at kumuha ng cereal at nag simula ng kumain napaisip ako at naalala ko Wednesday kahapon nalate ako sa pag pasok...

Agad akong lumingon sa orasan at nakitang kong 4:33 am pa lang kaya naman agad kong inubos ang pagkain ko..

Dumiretso na ako sa cr upang maligo ng matapos ay nag sagawa na ako ng ibat iba kong ritwal sa umaga..

~~~~~~~~~

Bumaba na ako ng kwarto ko 5:10 am na kaya naman humarap na ako sa salamin upang simulang ayusin ang itsura ko nang makuntento ako kinuha ko na ang bag ko at nag paalam na kay Yaya Selma na aalis na ako.

Sumakay ako ng tricycle patungong paaralan dahil sa tinatamad akong mag lakad...

Pag pasok ko hindi pa ganon kadami ang tao...

~~~~~~~~

Isang oras pa bago mag simula ang aktuwal na pagkuha ng pagsusulit kaya ang iilan samin nag lalast minute review, ung iba pinaplano kung san uupo, ung iba nag hahanap ng kokopyahan, ung iba naka earphones lang, may iilan pa den na abala sa pag papasa ng requirements at ang iba nmn sa mga kaklase ko ay tulog..

Ako?

Ano nga bang ginagawa ko?

As usual nag babasa wala naman akong ibang dapat gawin...

~~~~~~~~~~~~~

Tumunog na ang bell hudyat nito na mag sisimula na ang pagsusulit kaya naman umayos na ng puwesto ang aking mga kamag aral at tinago ko na ang cellphones ko sa bag...

Natanaw ko na rin mula sa mga pintuan ng faculty rooms na isa isa nitong iniluluwa ang aming mga guro...

Matiyaga naming inantay ang aming guro na di kalaunan ay lumabas den at nag tungo na sa aming silid..

"Oh section 8 hindi yan ang seating arrangement niyo alphabetical kayo girls ang boys." Sambit ni Ms. Goles.

Reklamo naman ang nangibabaw mula sa panig namin ngunit wala den kaming nagawa lumabas na kami upang pumila at ng maayos na kami...

*meanwhile

Matapos kaming iayos ni Ms. Goles naging ok ako sa mga katabi ko sa kaliwa ko si Carlo ang captain ball namin sa volleyball at sa kanan ko nmn ay si Tan sa likod ko naman ay ang girlfriend niyang si Princess at ang nasa harap ko ay si Ate Aly...

Naging tahimik ang paligid habang kumukuha kami ng exam matatanaw mo den sa bintana ang mga gurong nag lalakad at nag babantay sa hallways...

May iilan akong bulungan na naririnig kaya naman hindi ko na lamang pinansin pa yun...

Alam ko ang iba sa kanila ay nag kokopyahan na...

Hindi nmn iyon nalalayo sa kahit anong klase..

Mabilis kong natapos ang pagsusulit para sa unang asignatura kaya minabuti ko na lamang na matulog dahil matagal tagal pa ang iba kong mga kaklase...

~~~~~~~~~~~~~~

Natapos namin ang unang tatlong asignatura hindi naging ganon kadali ang mga sumunod na asignatura sa una naming kinuha kaya naman nung nag bell na agad namang nag silabasan ang mga kaklase ko patungong canteen...

30 minutes ang breaktime namin medyo mahaba haba kaya naman nakapag pahinga pa ako bago sumabak muli sa isa nanamang asignatura hanggang sa mag uwian kami..

~~~~~~~~~~~~~~~

Natapos na namin ang exam para sa buong araw na ito bukas ay ang pangalawang batch ng exam namin na sana maging maayos den tulad nitong unang araw...

Bago pa kami makauwi nila Reidhene at Geraldine..

Pinatawag kami ni Ms. Goles upang kausapin tungkol sa mga nalalapit na events sa aming paaralan..

Bilang Presidente ng klase lahat ng iyon ay ni note ko na para may kopya ako ng mga magaganap para sa mga naturang buwan ng sa ganon ay hindi din mabigla ang aming klase...

Mabilis natapos ang usapan kaya naman ako'y dumiretso na pauwi dahil pagod at inaantok na ako...

~~~~~~~~~~~~~~~~

Pag kauwi ng bahay agad naman na akong nakatulog dahil lagi akong nkakaramdam ng antok sa tuwing uuwi ako ng bahay galing ng paaralan..

Section 8Where stories live. Discover now