Chapter 10

39 1 0
                                    

Maria's POV

Palabas na ako ng gate ng makita ko si Pauline kaya agad kaming nag akapan...

Matagal tagal den nung huli kaming nag kasama..

Ito ay napaka gandang timing..

*akap kay pau*

"Uy mag seseven eleven ka?" Tanong niya.

"Bakit pupunta kaba?" Tanong ko.

"Oo kasi pupunta den yung squad matagal tagal na tayong di nag kakasama." Sagot niya.

"Sige Tara!" Masaya kong sambit.

Dumating si Paige, Mark, Sid and Jen kaya nag tungo na kami papuntang 7/11...

Habang nag lalakad ay puno kami ng tawanan at kwentuhan dahil namiss ko den silang kasama...

~~~~~~~~~~~~~~~

Pag dating don ay nakita namin si Mary, Ulric, Carl and Bryce kaya tumabi na kami sa table nila..

Nag aya akong pumasok sa loob kasunod si Pau at nadatnan namin ang kaibigan naming si Seo..

"Oy Bata bat andito kana! Wala kangang pasalubong samin eh! Bumalik kana ng korea! Dali!" Biro ko kay Seo..

Hindi namin siya ka year pero kaibigan namin siya matalino siyang bata at magaling sa pag eedit ng kanta..

"I would." Sagot niya.

"Kelan ka pa nandito sa Pinas?" Tanong ko.

"Nung saturday pa." Sagot niya.

"Ahhh ok sige seo bili lang kami ni Pau." Pag papaalam ko.

Tumango siya bilang tugon.

Pumunta na kami ni Pau sa Chips' section ng nakapili na kami ay pumila na kami sa counter upang mag bayad matapos mag bayad...

Matapos ay nakita naming pumapasok ang squad sa loob dahil oonti na lang ang mga tao kaya naman naki halo kami ng sandali sa kanila..

Matapos ng kwentuhan at kamustahan nag pasya na akong umuwi kaya naman hinatak ko na si Pau.

"Uwi na us." Sabi ko.

"Tara." Pag sang ayon niya.

Pag labas namin ay sumakay na kami sa tricycle..

Ng malayo layo na kami at patawid na ng intersection ang sinasakyan namin sa di inaasahang pag kakataon nabangga ng humaharurot na taxi ang sinasakyan namin...

Nakakakaba...

Nakakatakot...

Nakakabigla...

Sobrang bilis ng pangyayari...

Na sa anu mang iglap...

Pwede kang kunin...

Ang lakas...

Ung hampas...

Ung bakal...

Ung tunog...

Nakakapangilabot...

Agad kaming pinalibutan ng maraming tao..

Pag baba ko ng tricycle nahihilo ako..

Naiiyak ako sa sakit at takot na nararamdaman ko..

Unang pag kakataon ko tong maranasan...

Nakakayanig ng mundo ang ganitong pakiramdam..

Masakit na masakit ang ulo ko nung itoy humampas sa bakal ng tricycle...

Inasikaso ko si pau...

"Ok ka lang?" Tanong ko sakanya..

Pero ibinalik niya ung tanong sakin..

Naiiyak nako kaya agad niya akong pinapatahan...

Hindi ko na maalala ang mga pinag sasasabi ng mga tao sa paligid ko dahil isa lang ang malinaw sakin masakit ang ulo ko...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Matapos ang ilang pangyayari kinuha ako ng aking tatay at inuwi para maayos ako...

Nilagyan ko na lamang ng yelo dahil may bukol ako...

Agad na inasikaso ako ng aking ina...

"Naku ate baka tumalino yan." Biro ni Yaya.

"Oo nga hahahaha." Biro den ng aking ina.

Ngumiti ako at sabi ko "OMG SANA! PARA YUNG MATH KO TUMAAS." Pagbibiro ko.

Inabot sakin ni daddy ang cellphone upang makausap ang kapatid ko na nurse...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Natapos ang usapan namin kaya kumuha pa ako ulit ng yelo at inilagay iyon sa ice bag upang malunasan kahit papano ang sakit na nararamdaman ko..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Umalis muna si daddy dahil may inasikaso kaya naman kumain na muna ako..

After a while...

Matapos kong kumain dumating si daddy at nag tanong kung anong gusto ko agad kong sinabi ang ice cream dahil iyon lamang ang nakakapag pagaan ng loob ko kaya naman nag pabili si daddy..

Matapos naming kumain ng ice cream nag pasya na akong umakyat sa kwarto ko upang makapag pahinga ng maayos..

Tinanong pa ako ulit ni mommy kung ayos lang ako...

Nakangiti akong tumango na sensyales ng pag sangayon ko kaya naman nag patuloy nako sa silid ko upang mag pahinga ng maayos...

Section 8Where stories live. Discover now