Chapter 2

105 1 0
                                    

Maria's POV

Biyernes ngayon..

Kalmado ang lahat pero ramdam mo sa atmospera na gusto ng umuwi at mag pahinga ng lahat.

Kasalukuyang nag didiscuss ang aming guro sa english, maganda siya para sa isang guro hindi katangkaran ngunit sopistikada ang dating gaya ng adviser namin, magaganda ang mga mata ngunit pag tinignan mo madilim ang mababasa mo..

Nakakatakot..

Tahimik ang klase..

Ramdam ko yung malamig na hangin na galing sa labas na para bang ano mang oras ay bigla akong hihigupin..

~~riiiiiiing ~~~riiiiing

Nagulantang ako ng marinig ang bell hudyat nito na tapos na ang klase namin sa english..

Abala ang mga kaklase ko sa pag labas ng room, siksikan sila sa pintuan kaya naman nag pahuli na ako para hindi sumabay sa masikip na daan..

Nang makalabas ako ng room.. Tanaw ko agad ang maingay na hallway punong puno ng mga estudyanteng hindi ko kilala..

Pag lingin ko...

Nagulat na ako ng makita ko si Pauline kaya agad ko siyang nilapitan.

Si Pauline ay ang bestfriend ko mag mula pa nung grade 7 ngunit hindi kami pinalad na mging magkaklase ngayong taon..

Natapos ang kwentuhan namin at tumunog na ang bell unti unting nawala ang mga estudyanteng nakakalat sa hallway at bumalik na sa kanya kanyang mga klase..

*AP Period*

Nakita ko muli ang mga kaklase ko ngunit ngayon mas maingay sila kumpara nung unang araw kumbaga unti unti nang nag papakilala ang iilan sa kanila..

Para sakin itong pag aaral ay kompitisyon kailangan ako ang nasa ibabaw gusto kong mangibabaw ngunit alam kong mahihirapan ako...

Si Vincent...

Magaling siya.. Nangangaba akong matalo niya ako.. Gusto kong umangat sakanya.. Natatakot akong mapabagsak niya ako...

Kasalukuyan ko siyang tinitignan habang siya ay sumasagot sa mga tanong na ibinabato ni Ms. Goles hanga ako sa kakayahan ng utak niya..

Pero hindi ko hahayaang umangat siya sakin..

Hindi pwedeng mangyari yun...

Tumunog muli ang bell hudyat na lilipat na kami sa susunod naming klase..

~~~

Ang bilis ng oras ngayon ay nasa Mathematics na kami.. Nag didiscuss si Mr. Martino ngunit wala akong naiintindihan andaming bumabagabag sa utak ko...

Ewan ko pero hanggang ngayon hindi pa din ako gaanong komportable sa section namin..

Parang bawat ngiti nila may tinatago..
Bawat pag bati may lason..
At bawat pag akap ay may kapalit na kutsilyong sasaksak likod mo ano mang oras..

Gusto ko silang makilala..

Gusto ko silang kausapin..

Gusto kong malaman ang totoo sa likod ng bawat kilos nila...

The more that my want grows the more things get tangled up inside my brain..

Gusto kong pigilan yung mga tanong sa utak ko..

Paano ko malalaman..
Nakakapangilabot ang nararamdaman ko..

Nginitian ko si Angelica at biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase namin para sa araw na ito makakauwi na ako..
 
~~~

Palabas na ako ng campus namin ngunit may humatak saking braso kinakaladkad niya ako patungo sa likod ng paaralan namin..

Masakit at mahigpit ang kapit ng kanyang matalas na kuko sa balat ko na para bang konti nalang ay mabubutas na ang balat ko sa tindi ng kapit niya..

Aray! "Ano bang kailangan mo sakin!? Bitawan mo ako!" Reklamo ko sa kanya.

"Wala akong kailangan sayo pero ang kaibigan ko meron." Diin niya sakin.

"Sinong kaibigan? At ano bang atraso ko sayo?" Naguguluhan kong tanong.

"Sakin wala kang atraso pero sakanya meron." Sabi niya.

"A-ano? Kanino? Sino? Wala akong matandaan na may nakaaway ako!' Sabi ko.

"Basta Hindi mo sasabihin ito kahit kanino naiintindihan mo ba! At tigilan mo masyado ang pag papabida mo! Mas lalo kang mapapaaway!" Singhal niya at saka niya ako ibinagsak sa sahig.

Umalis na siya at naiwan akong mag isa tulala sa nangyari ni hindi ko man lang naipag tanggol ang aking sarili..

Sino siya? Hindi ko siya kilala.. Hindi namin siya kaklase pero batid kong isa siya sa kaibigan ng isa sa mga kaklase ko mas lalo tuloy akong naguluhan..

Tumayo ako at inayos ang sarili ko at nilisan ang lugar na iyon mabuti at walang naka kita wala ding nag suspetya sa nangyari kaya mabilis akong lumabas sa gate namin at tumungo na pauwi..

Pagod ako masakit ang aking braso lalagyan ko na lamang ng yelo ang braso ko mamaya pag uwi ko..

Habang nasa kotse ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nag antay na makauwi kami ni Mang Simon..

 

Section 8Where stories live. Discover now