Chapter 7

45 1 0
                                    

Maria's POV

Kakatapos lang ng klase namin..

Lahat ng mga kaklase kong babae dumiretso sa cr..

Gusto ko din sanang pumasok don at makibagay sa kanila ngunit alam ko na isa lamang akong outcast sa kanila kaya minabuti ko ng dumiretso pababa sa hagdan ng bigla akong tawagin ng isa kong kaklase..

"Maria!" Hingal na sabi niya.

"Oh?" Sagot ko.

"May project naba tayo sa filipino?" Tanong niya.

"Ay oo nga pala sige tatapusin ko na kailangan nga pala natin yun salamat." Sabi ko.

"Sige sige." Tugon niya.

Yan si Tan..

Balisa lamang yan kung meron kaming proyekto o takdang aralin..

Nung unang araw ko siya nakilala akala ko tahimik hindi pala saksakan pla ng ingay..

Nag patuloy ako sa pag lalakad patungong bahay..

~~~~~~~~~~~
*Next Day*

"Oh Section 8 makinig kayo malapit na ang pasahan ng thesis niyo ha? Sana naman natapos at napag handaan niyo yan ng mabuti dahil yan ang project niyo maliwanag ba? Kung di kayo makakapag pasa o makakapag present ng thesis niyo meron namang individual brochure na ipapasa bilang proyekto ha? I'll discuss furthermore about sa project bukas sige maaari na kayong lumipat sa susunod niyong klase." Pag papaalala ni Ms. Goles.

Abalang abala ang buong klase sa pag aasikaso ng mga requirements na dapat maipasa on time pero may mga mukha pading walang paki sa nangyayari...

Nakakastress ang kadamihan ng bagay na tumatakbo sa utak ko...

Parang nag hahabulan sila paunahan kung sino ang unang maiisip kong gawin...

~~~~~~~~~~~~~~~

Gaya ng ibang normal na araw ganong paden ang ginagawa namin...

Makikinig sa lesson, kakain, mag aasaran at kung ano ano pa gaya ng isang tipikal na klase madalas ay inaantok ako sa klase lalo na pag walang ginagawa dahil wala naman akong kasama sa mga kaklase ko...

Mahirap ng mag isa ka...

Sila mag kakasama...

Pero alam mo ang tunay sa hindi...

Ung iba nag papakita ng mga hilaw na ngiti at mapanlinlang na mga kilos at pananalita..

Dapat mag ingat...

Hindi lahat ng mukhang mabait ay mabait..
At hindi lahat ng mukhang masama ay masama..

Kita mo ang pag paplastikan ng bawat isa sa kanila...

Mga kilos na madaling mabasa..

Kilala mo ba tlga kung sino yang mga kaibigan mo? O pare pareha lang kayong nag lalaro...

Masasabi mo bang lahat ng nandyan sa tabi mo ay totoo?

Dahil hindi lahat ng nasa tabi mo ay kakampi mo madalas sila ang kaaway mo...

Kumukuha ng impormasyon laban sayo...

Kaya mas pinipili kong mag isa...

Pakiramdaman niyo..

Sino nga ba sila sa likod ng mga maskara na yan..

Unti unti malalaman mo.. Kung kakayanin mo...

Section 8Where stories live. Discover now